Kabanata Dalawamput Anim

657 37 2
                                    

Natapos ang makabuluhang maghapon sa buong komunidad at pagsapit ng gabi ay lahat ay nagtipon-tipong muli para sa pagkaing inihanda ng mga kababaihang nagtulong-tulong para sa paghahanda nito. Kinausap na rin ni remus ang ilang may karamdaman para malaman niya ang gagawing tulong sa may mga karamdaman. Ipinakita na rin nilang mag-asawa ang mga bagay na dala nila sa panahong iyon. Mga gamot at ilang libro tungkol sa karamdamang pisikal.

Habang nagkakasiyahan kung saan may mga sumasayaw pang kabataan ay biglang pumatak ang ulan...unti-unti hanggang sa lumakas na ito kaya lalong nagbunyi ang mga tao.

Sa paglalim ng gabi ay nasa kani-kanilang mga tahanan na ang mga tao sa komunidad. Bakas sa mukha ng bawat isa ang kasiyahan.

Agad na ring natulog ang magkakapatid pati si lolo julius.

Ang mag-asawang rafael at rava ay sandaling tinungo ang kabilang kuweba na kinarorooonan ng mag-asawang camille at remus.

" Tuloy kayo." Anyaya ni Remus

" Naparito kami para sana makausap kayong muli."

" Tungkol saan?" Tanong ni camille na umiinom ng salabat na ginawa ni rava.

" Sa kakayahang taglay mo camille.......ngayon alam na ng buong komunidad kung anong kakayahan mo at kung saan ka nanggaling ay baka may mga mag-isip ng masama o baka may mga humiling ng mga bagay na labis para sa kanila."

" Naiintindihan kita rafael.....alam kong kapag may kapangyarihan ay may mga taong magiimbot o maghahangad ng higit. Sa aming panahon ay labis ang imbot at paghahangad ng mga tao, makakabuti man o makakasira sa sangkatauhan o kalikasan ay wala sa kanila iyon. Ang mahalaga ay kapangyarihang meron sila....hindi man tulad ng kakayahang meron ako ang inasam nila ay alam kong nakasira iyon sa lahat na naging sanhi ng mga digmaan at delubyo noon....at sa ngayon nta kayong mga taong nabuhay sa panahong ito ang umani ng lahat."

" Iyon ang ipinangangamba ko camille....halos wala kami at nagsisimula ulit na magkaroon ng pag-unlad ang mga tao....pero sana gusto ko ay pagaralan at pagsumikapan namin ang lahat."

" Yun din ang hangad ko rafael....huwag kang mag-alala may limitasyon ang lahat sa mga bagay na nararapat at hindi nararapat. Mahalaga sa akin ang leksyong natutunan ng mga tao ngayon sa nakaraang panahon."

" Hanggang kelan kayo mananatili sa panahong ito camille?" Tanong ni Rava. Kaya napatingin si camille sa asawa.

" Hindi ko alam.....ang misyon kong paglalakbay sa panahong ito ay ibinigay sa aking ng mga diyos ng panahon. Tanging sila ang magpapasya kung hanggang kelan. Kaya gusto sana naming mag-asawa ay maging makabuluhan ito at makapagiwan ng malaking kaalaman sa mga tao."

" Hindi ba delikado na si zyron ang aming anak ang itinakdang manlalakbay sa panahong ito?" Muling tanong ni rafael.

" Itinakda siya at wala ng makakapigil niyon. Ang mga matutunan niya sa paglaki ay may kakambal na pagsubok na siyang huhubog sa kanyang pagkatao. Iyon ang katangian ng mga manlalakbay sa ating angkan." Nakangiting sagot ni camille.

" Maraming salamat sa inyo lolo at lola." Sabay yakap ni rafael kay camille at saka kay remus.

" Lolo at lola mo nga kami....pero sa panahong ito mas matanda ka sa amin rafael." Natatawang sabi ni Remus sabay tapik sa balikat ni Rafael. Kaya nagkatawanan ja sila.

" Buweno kami ay lalabas na at ng makapagpahinga na kayo. Bukas pala ay muli kaming maglalakbay pabalik doon sa napuntahan nating lugar.....sasama daw si Nera dahil nasabi ko na may mga halaman tayong mga nadaanan na maari niyang madala at maparami."

" Sasama pa rin kaming mag-asawa." Pahayag ni Remus.
.
.
.
.
.
.
.
" HANDA NA BA ANG LAHAT?!" Tanong ni Rafael sa mga kasamahang maglalakbay na nadagdagan pa ng ilang katao at ilang tila bagoon na hila ng mga kabayo.

" HANDA NA!" Sigaw ng lahat. Lumakad na ang ilang mandirigma at mangangaso sa unahan sakay ng mga kabayo....isa-isang sumunod ang lahat pati sina camille,remus at nera. Kumakaway naman ang mga mamamayang gising na na may mga hawak na sulo patungo sa may bukana ng komunidad. Muling kinausap ni rafael ang ilang pinunong mandirigma na nagsisilbing bantay at tagaayos ng katahimikan sa komunidad bago pa lumagpas sa bukana at saka na nagpatuloy ng paglalakbay ng makalabas ay isinara na ang malaking trangkahang  kahoy kung saan nababakuran sa bahaging iyon ng matataas at malalaking kahoy ang bukana na tanging daanan sa paligid ng mga bundok.

Habang naglalakbay kung saan sumisikat na ang araw ay nagtanong ang isang mangangaso....

" Pinunong rafael.....hindi ba puwedeng mapadali na rin ang ating paglalakbay ngayon katulad nung isang araw ng pagbalik natin sa komunidad?"

Natigilan si Rafael na napatingin sa kasabayang mag-asawa na nakasakay din sa kabayo. Bago pa man sumagot si rafael ay nagsalita si Nera.

" Dahil ba sa naranasan mong madaling paglalakbay ay nakalimutan mo na ang kahalagahan ng paglalakbay sa sariling paa?!" Natigilan ang lalaki na napayuko na lang. Alam niya na ang nagsalita ay isa din sa iginagalang na babae sa komunidad.

" Pasensya na.....iniisip ko lang kasi na kung tulad ng dati ay madali tayong makakarating doon at hindi na mahihirapan."

" Kuya.... Hindi lahat ng bagay ay madali... Ang iba ay paghirapan muna....sa kaso ko dahil may kakayahan ako para mapadali ang lahat para sa inyo ay hindi lahat sinasangayunan ko. May mga bagay na oo at puwede, may mga bagay naman na hindi talaga at merong ding hindi pa dapat o hindi napapanahon." Sagot ni Camille.

" Pasensya....wala naman akong intensyon na iba....pasensya na pinunong rafael." Tumango lang si rafael at muling itinuloy ang paglalakbay.

Madaling nakarating ang lahat sa lugar na kanilang napuntahan ng nakaraang araw. Katulad ng dati ay hinakot na nila ang mga bagay na maaring mapakinabangan at isinakay sa mga bagoon. Hanggang sa nagpasya silang lisanin na ang lugar. Sa kadahilanang maaga pa at ay muli nilang ipinagpatuloy ang paglalakbay sa pagbabakasakaling may mga iba pa silang bagay na matuklasan na hindi pa nila nagagalugad. Burol, bundok at kapatagan ang kanilang nadaanan at sa bawat lugar na iyon ay may mga bagay silang dinadala. Halaman mang makakain o makakagamot,prutas, bagay o hayop na mahuli na malalaki na ay kanilang hinuhuli.  Hanggang sa patawid sila sa isang burol pababa ay nadungawan nila ang tila mga apoy at itim na usok na nanggagaling sa isang maliit na komunidad na malapit sa dagat. Mula sa taas ay pinagmasdan nila ito ngunit tila walang mga tao sa lugar. Inutusan ni Rafael ang dalawang mandirigmang nakakabayo na babain at tignan ang lugar.

Agad na tumalima ang dalawa at mabilis na bumaba sa burol ang dalawa sakay ng kabayo.

" Hindi ko akalain na may komunidad din dito." Si Rafael.

" Hindi mo mapigilan ang mga tao rafael na tumira sa lugar na ito lalot malapit sa dagat na maaring pagkuhanan ng kanilang ikakabuhay." Pahayag ni Nera.

" Ngunit sa nangyari sa komunidad na ito maaring kagagawan ito ng mga bandido sa dagat o kaya sa lupa."

" Mga Pirata ba ang tinutukoy mo rafael?" Tanong ni Camille.

" Oo....iyon din sabi ni Papa."

" Kung noong unang panahon ay mga pirata na at sa ating panahon ay may mga balitang mga pirata din, sa panahong ito ay hindi sila nawala....parang pirates of the carribbean lang." Naiiling na pahayag ni Remus.

" Hanggat may dagat at lupa hindi maalis ang mga bandido sa mundo remus. Sila ang mga taong walang dulot na maganda sa mga taong mabuti at maayos na namumuhay sa panahong ito. Pag-iimbot at kasamaan ay hindi nawawala iyan sa mundo." Sagot ni Rafael.
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy....
------------------------------------------------------

THE GLASSHOUR 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon