Kabanata - Tatlumpu't Apat

1K 35 47
                                    

Dumating ang takdang araw para sa muling paglalakbay pabalik ng komunidad na natuklasan ng grupo ni Rafael. Muli ay kasama nila si Camille at Remus. Sa pagkakataong iyon ay kasama nila si Zon na anak na panganay ni Rafael. Isinama na din nila ang ilang mga binatang kaedad nito para maranasan na din nila ang makapaglakbay sa iba pang panig ng kanilang komunidad.

Lulan ng ginawang bagon ni Rafael ay masayang lulan nito ang kanyang asawang si Rava at anak na panganay na si Zon na makikita ang kasabikan sa paglalakbay. Lulan naman ng mga kabayo ang mga mangangaso kasama ang mga anak na lalaki na halos kaedad na rin ni Zon. Maging si Camille at Remus ay masaya sa nakikitang kasiyahan ng mga kabataan. Si Nera naman ay tila mandirigmang babae na mag-isang nakasakay sa kanyang kabayo.

Hindi ginamit ni Camille ang kanyang kakayahang makapaglakbay ng madali sa kadahilanang gusto niyang makita ng mga kabataang kasama nila ang tanawin sa labas ng komunidad. Maging ang bagay na iyon din naman ay gusto ni Rafael at lahat ng kasama nila.

Ngunit ang kasabikan ng mga kabataan ay unti-unting nawala. Sa patuloy nilang paglayo ng nilalakbay ay nasilayan na nila ang mga bakas ng delubyo sa mundo. Bagamat alam nilang ganun ang nangyari hindi nila maipaliwanag lungkot sa tanawin. Sa libro sa komunidad ay nakikita pa nila sa mga larawan ang dating anyo ng mundo na hindi na kababakasan ng kagandahan at kaunlaran sa kanilang panahon.

" Mama.....sana dumating ang araw na muling babalik sa dati ang mundo. Hindi ko lubos maisip yung mga bagay na nasa mga larawan ay wala ng bakas sa ngayon. Kung meron man ay nasa ilalim ng mga lupa,buhangin,tubig at ang iba ay mga guho." Malungkot na bulalas ni Zon sa amang si Rafael na siyang gumigiya sa kabayong humihila ng bagon.

" Kailanman hindi na natin maibabalik pa ang nakaraang anyo ng ating mundo anak. Ngunit may responsibilidad tayong mga tao na ayusin ito dahil kahit pa man naganap noon ang delubyo hindi nawala ang mundo, at tayong mga taong nilalang niya. Binuhay niya tayo para sa atin magsimula ang pagbabago." Tugon ni Rava sa anak.

" Tama ang iyong mama anak.....alam kong mahirap at hindi madali ang lahat ngunit sa ating mga nabubuhay pa sa mundong ito ang responsibilidad para alagaan ang ito." Dagdag pahayag ni Rafael.

" Nauunawaan ko po papa ang ibig ninyong sabihin. Nalulungkot lang po kasi ako na isiping umabot pa sa delubyo ang lahat. Sana naging responsable ang mga tao noon para hindi umabot sa ganito.....isang delubyo na kung tutuusin hindi naman ang diyos ang may gawa kundi mga tao rin."

" Hindi nila naiisip iyan noon anak. Umabot na sa sukdulan ang lahat, nagkaroon ng mga giyera, hindi na nagkakaunawaan ang mga bansa. Nag-aagawan na sila ng teritoryo at gumamit ng dahas at kasabay niyon pagkasira ng kalikasan at ang delubyong kagagawan din ng tao."

Hindi na sumagot si Zon sa ina. Muli ay pinagmasdan niya ang naabot ng kanyang paningin. Mga bundok na mangilan-ngilan mga puno ang makikita, ang iba naman ay kalbo at puro buhangin, mga guho, mga ilog na halos tuyo na bagamat may kaunting tubig pa ring dumadaloy.

Ang lahat ng pag-uusap ng tatlo ay malinaw na naririnig ni Camille kahit nauuna sa bagon ang kabayong sinasakyan nilang mag-asawa.

" Hon.....yumakap ka namang mahigpit sa akin" Utos ni Remus kay Camille na nasa likod niya.

" Ha bakit?"

" Malamig ang hangin eh."

" Ganun ba? Eh di pabalikin na lang kaya kita sa panahon natin kung saan grabe ang el niño!" Biro ni Camille sa asawa.

" Wala namang ganyanan hon...porke hindi ako manlalakbay at isa lang akong nurse and soon to be doctor ay ginaganyan mo na ako. Nakakalungkot naman....ina-under mo na lang ako."

" Madrama ka hon! Ako na lang ang gigiya sa kabayo! May nalalaman ka pang lamig-lamig diyan!"

Isang kisapmata lang ay nasa harap na ni Remus si Camille. Nangingiting umusog ito at yumakap ng mahigpit sa asawang siya ng gumigiya sa kabayo. Nangingiti na lang si Camille sa asawa, alam niyang pumaparaan na naman ito para makapaglambing.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 07, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE GLASSHOUR 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon