Kabanata Tatlumpu

802 40 3
                                    

" Ayun na ang lagusan....may mga bangkang naroon para ating masakyan sa pagtawid sa bukana." Si vannah na huminto sa paglalakad at itinuro ang lugar kay rafael.

Naging mabilis ang paglalakad ng lahat para marating ang ilog sa bukana para makatawid. Doon ay naabutan nilang naghihintay ang mga tao sa may bukana. Ang iba naman ay sumakay sa balsa para makatawid sa kabilang ibayo. Sumakay na rin sa iba pang balsa ang grupo ni Rafael pati si Vannah at ang dalawa pa nitong anak. Nang makatawid ay agad silang naglakad paakyat sa malaking lagusan ng kuweba. Namangha ang grupo ni Rafael sa kanilang nakita dahil ang naturang lagusan ay nakatago sa mga kabundukan sa paligid nito kung saan may mga puno at halaman pa ring nabubuhay.

" Sa kabila ng bundok na iyan sa kanan natin ay ang karagatan kung saan naroon ang komunidad namin. At ang kaliwang bahagi ay makikita naman ang kapatagan at ilang kalbong bundok." Bungad ni Vannah sa grupo ni Rafael. Makikita rin ang kasiyahan sa mukha ng mag-asawang Remus at Camille dahil sa nakikita nila...hindi maitatangging may pag-asa pa ang mundo para muli itong maibalik sa dati. May makikita ding ilang mga ibong ligaw na lumilipad sa lugar na iyon patunay na isa iyong maituturing na paraiso para sa lahat.

" Mukhang hindi napinsala ang bahaging ito ng tubig dagat noon." Si Rafael habang pinagmamasdan ang lugar.

" Hindi umabot dito ang tubig dahil sa bundok na nakapalibot dito. Mataas ang kabundukang nakapalibot sa lugar. Kung iyong pagmamasdan ay parang isang komunidad din ang lugar na ito dahil ito ang pangatlong komunidad namin. Una ay yung nasa may dagat, pangalawa ay ang nasa loob ng kuweba at pangatlo ay ito."

" Kung ganun bakit ninyo pinipiling manirahan sa ay dagat na delikado sa mga masasamang tulisang dagat?" Tanong ni Camille kay Vannah.

" Hindi namin maaring iwanan ang lugar na iyon dahil isa ang dagat sa pinagkukuhanan namin ng ikakabuhay maliban sa lugar na ito."

" Pero wala kayong laban sa mga tulisang dagat at maging sa mga tulisang lupa."

" Ayaw namin ng karahasan....namuhay kami sa lugar na ito na ang gusto ay kapayapaan at katahimikan. Ngunit hindi talaga mawawala sa mundo ang kasamaan ng tao sa kapuwa niya. Nagkaroon man ng delubyo, maraming nasawi at marami ding nakaligtas pero hindi nawala sa tao ang pagiging mapag-imbot at ganid!" Tugon ni Vannah kay camille.

" Wala ba kayong lisanin ang lugar na ito?" Si Rafael.....bigla namang may mga nagdatingang mga tao na nang galing sa loob ng kagubatan. Hindi ito ang grupo ng Anak ni Vannah at Rafael na naglakbay papunta sa bundok at lagusan. Pinangungunahan ito ng ilang kalalakihan. Kung pagmamasdan ay para ding mga mangangaso at mandirigma ang kanilang mga itsura at pananamit.

" Vannah....anong kaganapan at narito kayo?" Tanong ng isang matandang lalaki na nasa mga animnapung taon nito. Ngunit mababakas pa rin na maliksi ito at maayos pa ang pangangatawan. May dala itong isang sibat at seryosong tumingin sa grupo nina Rafael.

" Magandang hapon po Lolo.....nilusob na naman po ng mga tulisang dagat o mga pirata ang aming komunidad sa may dagat. Nabigla po ang lahat sa pagsalakay kaya hindi lahat ng mga tao ay nakatakbo sa lihim na lagusan. Marami pong nasawi sa mga kasamahan natin at ang ibang nakaligtas ay kasama na po namin at kasalukuyang ginagamot pa rin sila doon sa loob ng kuweba. Ang iba naman ay naglakbay na papunta dito dala ang mga naisalbang mga ari-arian natin na hindi natangay nila at nadamay sa sunog. Kasama po nila ang anak kong si Troy at ang ilang kasamahan nila." Sabay turo ni vannah kina Rafael at mag-asawang camille at remus.

" Sino kayo?! Saang lugar kayo galing?!"

" Dito din po kami sa Bataan. Sabi po ng aking ama ay Bataan ang lugar na ito noong bago maganap ang delubyo. Patunay po na natatanaw sa komunidad namin yung krus na na naputol na pero natatanaw pa rin sa bundok ng samal."

THE GLASSHOUR 3Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin