Kabanata Dalawamput Dalawa

670 38 24
                                    

Kasagsagan ng init ng araw pero hindi na masakit sa balat

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.

Kasagsagan ng init ng araw pero hindi na masakit sa balat. Mahangin at tinatangay ang mga buhanging dinadaanan ng grupo sa paglalakbay.

" Ibang-iba na talaga ang topography ng lupa sa panahong ito dito sa Bataan. May mga mabuhangin....may mga ilan naman may mga halaman pa at meron naman makakapal pa din ang ilang kabundukang matatanaw." Si Remus habang pinagmamasdan ang tahimik na paligid na tanging mga yabag ng kabayo ang maririnig at panaka-nakang pagsipol ng hangin.

Tahimik lamang si camille na nasa likod ng asawa. Pabalik ang daan nila at nasa itaas na bahagi na sila ng isang burol at tinatanaw ang bahagi ng dagat sa di kalayuan. Nakita nila ang isang isla sa bahagi ng dagat.

" Alam ko ang islang iyan hon....corregidor island yan. Lumutang pa pala iyan sa panahong ito sa kabila ng makikitang halos nilamon ng dagat ang bahaging ito ng bataan."

" Halos tatlumpong taon na ang nakalipas ng magkaroon ng delubyo....marahil bumabalik na sa dati ang ilang islang natabunan pero iba na marahil ang anyo nito. Dito nga Luzon ito pero nakita mo naman na tila disyerto ang ilang bahaging nadaanan natin." Paliwanag ni Remus sa asawa.

Makalipas ang isang oras pang paglalakbay ay narating nila ang isang bahagi ng isang bundok na makikitang medyo malago pa ito. Malayo na ito sa dagat pero sa paanan nito ay makikita ang tila isang village o subdivision dahil sa guhong tila arko  at makikita ang mga guhong bahay na tanging mga sementong haligi na nabalutan na ng mga damo at iba pa ang makikita. Wala ng mga bubong at halos pare-pareho na ang itsura at kulay ng mga ito. Ang daanan ay mga damo na at tinatagpas na lang ng mga nauunang kalalakihan.

Bumaba si Camille at remus sa kabayo at sinipat ang mga dapang halaman at damo na nakikita sa paligid. Napangiti si camille dahil alam niya ang ilang halaman na naroon pero damo sa paningin ng mga tao sa panahong iyon.

Lumapit din si Rafael sa kanila ng makitang hawak nila ang mga halaman na nakita.

" Anong uri ng damo iyan?" Tanong ni Rafael. " Nagkalat kasi ang mga ganyan sa lugar na ito."

" Lemon grass ang tawag dito o Tanlad. Ginamit ito para sa mga lutuin o sa gamot sa ubo. Maraming gamit ang damong ito na mabisa sa katawan." Ipinaamoy ito ni camille kay rafael.

" Mabango siya!"

" Oo lalo na kapag pinakuluan mo ang ugat na may kasamang luya ay mainam na inumin."

" Mga kasama kumuha kayo ng mga damong ito at ating paramihin sa ating komunidad!" Utos ni rafael at agad tumalima ang ilang kalalakihan.

Nagpatuloy sa paggalugad ang grupo sa lugar na iyon ay nakakita sila ng ilang puno ng papaya na may mga hinog na na kinainan na rin ng mga ibon. Ang iba ay nagkalat na sa lupa. Agad nagtakbuhan ang mga kalalakihan sa tuwa ng makita ang mga hinog na papaya. Inakyat ng iba ang mga ito at ang iba ay sumasalo sa baba. Pinulot naman ng iba ang mga buto ng mga nabulok na at isinilid sa isang lagayan para paramihin sa komunidad. Sa dami ng hinog ay nakakain pa sila. Nagpakuha din si camille ng mga hilaw pa dahil masarap itong gawin tinola o gulay.

" Matutuwa nito si Zyro! May prutas tayong dala!" Nakangiting pahayag ni Rafael.

" Bibihira na ba talaga kayong makakuha ng mga prutas sa panahong ito?" Tanong ni remus.

" Bihira na.....gagalugarin mo talaga ang mga lugar na dinadaanan para sa pagbabakasakaling meron. Maraming mga hayop o ibon ding nakikinabang sa mga prutas kaya una-unahan na lang tao o hayop ang mauna." Nakangiting sagot ni rafael. " Dun sa may bundok sa palagay madami pa tayong makukuha....mula dito tanaw ko ang ilang puno ng niyog."

Sumakay muli ang grupo sa kabayo ay tinahak ang bahagi ng bundok na may makikita ng mga puno. Sa daan ay nakakita ng ligaw na mga manok ang grupo. Abala ang mga ito sa pagtuka sa mga nagkalat na nahulog na prutas sa isang puno. Grupo ang mga naturang manok. Natawa pa si remus dahil kakaiba ang anyo nito kumpara sa mga manok sa kanyang panahon.

" Dahan-dahan pumili lang kayo ng maari nating iuuwing pagkain sa komunidad. Marami din tayong ganyan doon. Kailangang mag iwan tayo ng mga inahin dahil may mga itlog na marahil sa lugar na ito. Nakikita nyo naman ang mga sisiw yung iba maari ninyong hulihin para sa komunidad paramihin. Tandang lang ang tudlain ninyo." Mahinang utos ni Rafael sa kalalakihang handang hulihin ang mga manok.

Hindi naman nagtagal ay nakahuli sila ng ilang tandang at sisiw. Nagpulasan na ang iba at nakalayo. Inilagay nila sa isang maliit na tila kulungang kawayan ang mga sisiw.

" Yang punong iyan na may maliliit na bunga. Puwedeng kainin iyan." Nakangiting sinabi ni camille sa mga kasama.

" Sigurado ka? Hindi kaya malason tayo niyan. Ngayon lang ako nakakita ng punong ganyan na may bunga."

" Sigurado ako! Nakita nyo naman kinakain ng mga manok ang nasa lupa at yung mga nasa sanga hayan kinakain ng maliliit na ibon.....sa aking panahon noong kabataan ko umaakyat kami ng mga kalaro ko para manguha ng ganyan at kinakain. Matamis iyan at ang tawag namin sa ganyan sa Bicol ang probinsiyang pinanggalingan namin sa nakaraan ay mansanitas. Maraming ganyan sa lugar kung saan ako galing."

Agad naman kumuha si camille ng mga bungang mapupula sa sangang kaya niyang abutin at agad kinain. Sinipsip ito at hindi isinama lunukin ang balat ng prutas. Kumuha din si rafael at ginaya si Camille. Napangiti ito ng matikman at agad pang inabot ang mga nasa sanga at inilagay sa isang sisidlan. Umakyat na din ang ilang kalalakihan para manguha.

" Masarap siya manamis-namis magugustuhan ito ng mga anak ko." Si Rafael na hindi magkamayaw sa pagpitas sa mga punong naroon. Sa ibabang bahagi ng mga puno ay may maliliit pang katulad at maingat itong tinanggal ni camille.

" Itatanim natin ito sa komunidad para magkaroon nito. Hindi nabubuhay ang sanga nito o bunga. Tanging sa ipot ng ibong kumain nito nagkakaroon ng bagong binhi."

" kung ganun, dapat magkaroon ng maraming ganito sa komunidad para dumami din ang dadayong ibon doon."

Agad na rin nilang tinungo ang mga nakita ilang puno ng niyog at nanguha ng mga bunga.....binuksan ang iba at kinain ang buko at ininom ang sabaw. Nagdala din sila ng mga bunga na tinanggalang na ng bunot para hindi mabigat. Ang mga tuyong bunga na nasa lupa ay kanilang itinanim sa paligid at dinala ang iba. Masayang nagpasya na ang lahat na tuloy na sa paguwi. Ngunit tinipon sila ni camille at kinausap.

" Mga kasama.....alam ninyong narito kami ng aking asawa para tumulong at alam nyo na rin ang aking kakayahan. Nagpasya na gawin ito para mapadali na ang lahat dahil alam kong pagod na kayong lahat at napakarami ng ating dala para sa mga kasama natin sa komunidad. Ilapit ninyo lahat ang lahat ng mga kalesa kabayo at kayo mismo ay magkakalapit."

" Anong gagawin natin?" Tanong ni Rafael.

" Papadaliin ko ang paglalakbay natin!"

Nanlaki ang mata ng lahat sa narinig at nagpalakpakan. Agad nilang sinunod si camille at inihanda na nito ang kamay para sa madaliang paglalakbay. Magkakalapit na lahat at magkakapit. Inilahad ni camille ang kamay at agad nagkaroon ito ng dalawang bolang liwanag na kanya itinapon sa taas na nagsalpukan saka mabilis na bumaba ito at binalot ang lahat ng liwanag at mabilis na sabay-sabay na naglaho.
.
.
.
Hanggang sa liwanag na ang bumalot sa lahat na tila walang katapusan hindi na nila makita ang nasa paligid at ang isat-isa hanggang sa agad itong nawala at tumambad sa kanila ang babang bahagi ng burol papasok sa komunidad. Agad silang nagyakapan at nagpalakpakan at itinuloy paglalakad kung saan nakita na sila ng mga mandirigma ng komunidad sa entrada at agad pinatunog ang isang tila malaking batingaw tanda na dumating na ang mga naglakbay na mandirigma at mangangaso.
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy....
------------------------------------------------------

THE GLASSHOUR 3Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora