Kabanata LabingApat

908 45 109
                                    

Sa lahat po ng readers active and silent, maraming salamat sa paghihintay ng update ko sa story na ito. Masaya ako na hindi kayo bumitaw.

Maraming salamat:
Torikara
se7en2
sandvish
E_L_I_A_H
ronielyndelarosa
@annavi16
yataiomni
Kay jhavril na nagmongha muna ng 1 mos. Kay benedictG2 na ayaw pang magbasa nito dahil kumukuha ng buwelo o umaarte haha.

Guys maraming salamat....lalo na kay ronnie na simula pa sa unang story ko at Tgh1, Tgh2 at ngayon 3 na ay hindi nawala. Kay elliah, jhavril at bajolet na nagbibigay plagi ng push sa akin para magsulat at mapaganda ito. Sa lahat ng silent readers salamat ng marami. Alam ko andyan lang kayo nararamdaman ko yan sa reads :)
------------------------------------------------------

Hindi agad nakatulog si rafael ng gabing iyon. Katabi ang bunsong anak na si zyron ay mataman niya itong pinagmamasdan. Tulog na tulog ang bata na maging sa panaginip siguro ay hindi niya napapanaginipan na balang araw ay may malaking responsibilidad siya sa mundo at sa angkan ng mga manlalakbay ng panahon. Hinaplos ni rafael  ang buhok ng anak at pinahid ang laway na tumulo sa labi dahil sa kahimbingan. Noon pa mang nagkaisip si Rafael ay ang buhay nila ngayon ang nakasanayan na niya. Ngunit may mga pagkakataong may sumasagi sa kanyang isip na mga kaganapan maging sa panaginip ngunit ang lahat ay malabo hindi niya lubos maunawaan.

" Anak......alam kong ito ang buhay na mayroon tayo....pero umaasa ako na balang araw ay muling magiging maayos ang lahat....unti-unti ay sana muling babalik sa dati ang mga nasira at nawala sa mundo. Hindi ko man maalaala na ang mga magagandang bagay na mayroon ang buhay ko noon at ang mga taong narito sa komunidad ay alam ko na minsan sa nakaraan ay naranasan namin ang mga magaganda ring bagay noon na wala na ngayon......balang araw magiging isa kang ganap na manlalakbay ng panahon kapag ikaw ay pumanaw na sa mundong ito....pero habang ikaw ay nabubuhay ay may responsibilidad ka sa mundo. Alam mo anak.....alam ko na hindi lang ikaw ang lubos na may responsibilidad sa mundo....napakabata mo pa....kaming mga mas nakakatatanda sayo ang higit na may alam. Ngunit ikaw ang itinakda na maging manlalakbay ng panahon sa iyong henerasyon sa ating angkan. Sana kahit wala na kami  iyong mama ay manatili kang may malasakit sa kapwa higit sa lahat sa ating mundo."

Hinalikan ni Rafael ang bunsong anak sa noo at naghanda na rin para matulog dahil kinabukasan ay panibagong araw na naman ng kanilang buhay.

------------------------------------------------------
Hindi pa man sumisikat ang araw ay nagising na si Zyron. Nagtaka siya kung bakit tulog pa rin ang kanyang ama sa kanyang tabi. Nagtataka man ay hindi niya ito ginising para mas lalo itong makapagpahinga. Bumangon na siya at nakita niya ang kanyang lolo ay tulog pa rin sa lugar nito sa kuweba.

Paglabas ay napahalukipkip siya dahil matinding lamig ang sumalubong sa kanya. Agad niyang nakita ang kanyang ina sa may labas na may ginagawa kasama ang kanyang ate roma. Ang kanyang kuya Zon naman ay gumagawa na ng siga at nagsisimula na itong maglagablab.

Tinungo niya ang isang mesa na napapatungan ng mga baso at inumin at saka kumuha ng tubig. Nagmumog at naghilamos.

" Mama, ano po ang almusal natin?"

" Magluluto ako ng nilagang saging, tapos ihahalo natin dun sa niyog na kinayod na ginawa kong bukayo gamit yung pulot pukyutan kaya masarap siya anak matamis."

THE GLASSHOUR 3Where stories live. Discover now