Kabanata Dalawamput Lima

739 39 1
                                    

" Nera!" Niyakap ito ni Camille...maging si Remus ay nagulat ng magsalita sa kanyang harap si Nera. " Kumusta ka na aking apo?!"

" Hindi ako makapaniwala nandito ka rin?"

" Matagal na remus.....sa misyon ni camille noon ay naroon ako....misyon ko din na ituloy sa panahong ito ang kaalaman ng ating angkan na ang batang si zyron ang magmamana. Hindi man ako tulad ni Prinsesa Ma-aram na unang manlalakbay ng panahon sa kanyang angkan,ako naman unang itinakdang babaylang may kakaibang kakayahan sa ating angkan na tagapaglingkod ng prinsesa."

" Pero paanong halos kaedad mo lang si Rafael....tama ako di ba?" Tanong ni Camille.

" Tama....kababata kung ituring niya ako." Nakangiting tumingin si Nera sa abalang si Rafael sa pakikipagusap sa ilang kalalakihan. Sina zyron naman at mga kapatid niya ay abala sa pagpapagandahan ng mga bagong sapatos na suot nila sa mga kabataang katulad nila.

" Ibig mong sabihin....halos sabay kayong lumaki sa lugar na ito?"

" Oo....batang limang taon ako noon ng magbalik sa mundong ito. Kung saan naganap na ang delubyo. Wala akong alam pa noon na tanging natatandaan ko ay lumilikas ang mga tao....sa grupong kinabibilangan nina lolo julius ako nakasama mula noon. Kinupkop ako ng isang babae ngunit namatay ito noong ako ay labinlimang taon na. Sa edad ko ding iyon nalaman ko ang lahat ng muli sa aking magpakita ang anitong nagtakda sa akin kung saan kasama niya si Ma-aram. Doon ko nalaman lahat ng isang iglap lang ang buhay ko sa nakaraan at kung bakit narito ako sa panahong ito."

" Kung gayon walang alam si rafael sa tunay mong katauhan?" Tanong ni Camille.

" Wala pa....dahil hinihintay ko ang takdang panahong ito na muli tayong magkikita camille at remus."

" Ano ang balak mo ngayon Nera?"

" Tulad ng sinabi ko may misyon din ako....hindi dapat malaman ng mga tao na hindi rin ako pangkaraniwan. Magtatagal ako dito, tatanda at mamamatay bilang isang normal na tao.....makakasama pa ako ni zyron sa kanyang paglaki, isa din ako sa gagabay sa kanya para ang kanyang buhay bilang isang normal na tao ay maging makabuluhan."

" Saan ka naninirahan ngayon Nera?" Tanong muli ni Camille.

" Doon sa kabilang ibayo ng ilog, sa may gubat may kubol ako doon."

" Isang araw ay dadalawin ka namin doon Nera. Marami pa tayong dapat pagusapan sa misyong naibigay sa atin ng mga diyos ng panahon."

" Tama camille....pangkaraniwang tao lang ako dito sa komunidad....pero malaki ang pag-galang nila sa akin katulad ng nakagisnan kong ina sa panahong ito. Albularya at manghuhula kung ako ay ituring nila dito.....sumasama pa nga ako minsan sa pangangaso at paglalakbay ng grupo ni Rafael.

Ilang saglit lang ay lumapit na si Rafael at pamilya niya sa nag-uusap na tatlo.

" Nagkausap na pala kayo?" Tanong ni rafael.

" Oo....natutuwa akong malaman na may isang katulad ni Nera dito....malaking tulong siya sa komunidad bilang isa ding manggagamot maliban sa doktor." Si Camille.

" Malaking tulong talaga...dahil sa kanya may mga gumagaling sa sakit na hindi maipaliwanag dito sa komunida. May mga sakit kasi na minsan ay nararanasan ng mga tao dito na hindi minsan kayang pagalingin ng mga itinuring na manggagamot sa komunidad."

Ilang saglit lang ay nagpaalam na si Nera.

" Hindi na rin ako magtatagal....kararating ko lang din mula sa paglalakbay....magkita tayong muli......rafael sasama ako sa sunod ninyong paglalakbay."

" Tamang-tama sa sunod na araw isasama ka namin....nakakasama na rin namin si camille at remus. Bukas ay dito muna tayong lahat sa komunidad para sa pagsasa-ayos ng mga dapat ayusin.....may mga nasisira na tayong mga kabahayan dito at mga kural ng hayop, pati mga halamanan ay kailangan pag-ukulan ng panahon para maayos muli. Kaya tulong-tulong ang lahat bukas."

THE GLASSHOUR 3Where stories live. Discover now