Kabanata LabingWalo

759 36 2
                                    

Kinagabihan bago magpahinga sa kuweba ay nagpasyang kausapin ni camille ang manlalakbay ng panahon na si Oman. Inilahad niya ang kanyang kamay at lumabas doon ang liwanag na nag-anyong orasa. Saka na lumabas na rin ang lamparang may tatlong mukha ng panahon ang nakaraan, kasalukuyan at hinaharap. Pinihit niya ang nasa takip nito at biglang nagliwanag saka lumabas ang nakakasilaw na liwanag kung saan ang manlalakbay ng panahon ay lumitaw.

" Alam kong kailangan mo sa akin apo."

" Maligayang pagbisita sa panahong ito lolo oman."

" Nakikita ng mga manlalakbay ng panahon ang nagaganap sa panahong ito. Gusto kong ipaalam sainyo ng iyong asawa na ang batang narito na may pangalang zyron ay siya ninyong apo sa tuhod. Siya ang pangapat na henerasyon ninyong mag-asawa. Nagtataka kayo kung bakit narito siya sa lugar na ito dahil ang tawag sa lugar na ito noong panahon bago ang delubyo ay Bataan."

" Bataan po?! Malapit na ito sa maynila at pampangga ah!" Sagot ni Remus.

" Tama....ang apo ninyong lalaki na si Rafael ang itinakdang magkaroon ng anak na manlalakbay ng panahon ay nakapag-asawa ng isang taga-Bataan.....pagpapatunay na yung natatanaw ninyong krus na halos kinapitan na ng mga halaman at iba na ang kulay sa nakakalbong bundok mula sa komunidad na ito. Iyon ang dambana ng kagitingan."

" Alam ko po yun lolo.....pero ano po nangyari sa pamilya namin ni remus sa nangyaring delubyo?"

" Tulad ng sinabi ko....buhay kang manlalakbay ng panahon....hindi mo ito maaring malaman dahil maaring maapektuhan ang iyong nakaraan at hinaharap....nasa hinaharap ka kung saan wala ka na talaga sa panahong ito kaya ikaw ay nakarating. Ito rin ang kasalukuyan ni Zyron na itinakdang manlalakbay ng panahon at kahuli-hulihang manlalakbay sa lahi ng mga manlalakbay ng panahon sa mundo."

" Pano pong nangyari iyon? Di po ba meron din sa ibang bansa o ibang lahi?"

" Nalipol halos ang lahat ng ibang lahi ng manlalakbay sa iba-ibang bansa. Kaya si zyron na lang ang natira at iyon ay sa ating angkan. Gusto kong ipabatid sa inyo na na kayong narito sa komunidad na ito at sa ibang lugar ay may mga natitira pang tao sa mundo. Pero ang ibang nasa ibang lugar o bansa na nabubuhay sa ngayon ay halos katulad ng mga tao sa komunidad na ito na mahirap ang pamumuhay.....isa pang dapat ninyong paghandaan ang ibang mga tao sa ibang komunidad na may masamang hangarin sa mga taong nabubuhay pa....sila ang mga itinuturing na mga bandido sa panahong ito.......Rafael....pumasok ka na rito." Biglang sabi ng manlalakbay ng panahon. Mula sa pinagkukublihan sa gilid ng bungad ng kuweba ay lumabas si Rafael. Kaya napalingon si Camille at Remus.

" Alam ko na kanina ka pa diyan. Camille apo...si Rafael ay tulad ng ama mo....dapat din niyang malaman ang lahat-lahat ng tungkol sa atin at mga dapat mangyari dahil siya ang ama ng itinakdang manlalakbay sa panahong ito."

" Salamat po....ikinagagalak ko po kayong makilala." Si Rafael na tila may kaba pang nakatingin sa manlalakbay na si Oman na halos nagliliwanag ang kabuuan. " Bata pa po pala kayo manlalakbay."

" Matanda na ako ng akoy mamatay....ang anyo kong ito ay ang aking kabataan kung saan ako ay malakas pa."

" Nakakamangha po....angkan po pala talaga tayo ng manlalakbay.....alam ko po na ipinakita na rin ni Lola Camille ang taglay niyang kakayahan pero lubos na po ang pagkamangha ko ngayon. Ganito din po ba ang nakatakdang mangyari sa aking anak?"

" Tama rafael....alam ko narinig mo ang lahat ng pinagusapan namin ng iyong lolo at lola....kaya pagingatan mo ang iyong anak na si Zyron. Dahil sa kanya magsisimula ang bagong pag-asa ng buhay sa mundo ito, sa panahong ito."

" Naiintindihan ko po.....pero lubha pong iba na ang panahong ito....hindi namin alam kung hanggang saan lang kami dadalhin ng aming buhay....naglalakbay po kami sa ibat-ibang lugar kapag wala na kaming makuhang pangsalba sa buhay namin sa araw-araw.....totoo yung sinabi ng manlalakbay camille. May mga iba pa talagang tao sa ibang komunidad at minsan na kaming nilusob noon sa dating komunidad namin. Bata pa ako noon para silang mga bandido o mga barbaro. Kinuha lahat ng kabuhayan namin at may mga tinanangay na tao para gawing alipin."

" Nakita ko lahat iyon Rafael sa lamparang may tatlong mukha....ang lahat ng pangyayaring sinabi mo ay aking nakita. Sa ngayon ang kahihinatnan ng buhay ng itinakdang anak sa hinaharap ay hindi pa namin nakikita. Dahil nasa panahong ito ngayon ang kasalukuyang buhay na manlalakbay ang iyong lola. Bilang isang manlalakbay ng panahon hindi mo puwedeng alamin o puntahanang iyong hinaharap kundi ang kasalukuyan ng itinakdang manlalakbay sa panahong ito para sa hinaharap. Ito ang kasalukuyang estado ng iyong pagiging manlalakbay sa panahong ito camille apo."

" Naiintindihan ko na lolo oman....hindi nga pala ako puwedeng maglakbay sa aking nakaraan at hinaharap dahil buhay pa ako nun....hindi puwedeng may mabago.....at kaya ako narito dahil ako ay pumanaw na sa panahong ito."

" Tama apo......sa ngayon ay ibibigay ko sa inyo ang mga pangangailangan ninyo sa panahong ito na maaring makatulong sa kaalaman ng mga tao sa komunidad."

Isang kumpas lang ng tungkod na mahaba ni lolo oman ay may isang sisidlan na sa tingin ay sakong ginawa sa paghabi....maliwanag ito at kulay ginto pati ang tali na nakapulupot sa may bukasan nito.

" Pumayag ang anito ng manlalakbay ng panahon sa patnubay ng apat na diyos ng panahon na dalhin ito sa inyo sa inyong pangangailangan sa panahong ito."

" Apat na diyos ng panahon?" Tanong ni Rafael.

" Oo sila si Tag-araw, Tag-lamig, Tag-lagas at Tag-sibol.....ang mga diyos ng panahon sa mundo....pinatnubayan nila ang anitong nagbigay kakayahan sa ating angkan para sa kakaibang kakayahang ito. Gusto ko ring malaman mo rafael na hindi imortal ang mga manlalakbay ng panahon. Lahat kami ay mamamatay din....pero ang iyong lola ang kaisa-isang itinakda na buhay na manlalakbay dahil sa ginampanan niyang misyon sa panahon ni Ma-aram ang unang manlalakbay ng panahon....sa kanya galing ang lahi natin."

" Wala po akong maintindihan sa mga bagay na nasabi mo....pero naniniwala po ako sa mga nalaman ko.....nakahanda po akong alamin ang lahat ng may kinalaman sa ating angkan."

Napangiti ang maliwanag na mukha ng manlalakbay ng panahon na si Oman. Muling nagtanong si Camille.

" Lolo oman pano ko po gagamitin ang bagay na ito para sa mga pangangailangan namin?"

" Isipin mo lang kung ano ang nais mo at pumikit habang ipinapasok mo ang kamay mo sa loob ng sisidlang iyan."

" Ganun lang po?!" Tanong ni Remus.

" Ganun kadali remus....pero hindi ganun kadali ninyong makukuha ang anumang bagay na nais ninyo....ang sisidlang iyan ang magpapasya kung dapat ninyong makuha ang nais ninyo."

" Pero bakit po lolo?"

" Camille apo....lagi mong tandaan hindi lahat ng bagay ay madali....anumang bagay na nanaisin ninyo ay kailangang pag-isipan dahil ito ba ay makakabuti o makakasama sa mga tao sa panahong ito."

" Tama kayo lolo.....ang ikinakabahala ko po ay maaring magtaka ang mga tao sa komunidad kapag nakakita sila ng bagay na wala na sa panahong ito."

" Gusto ko ring ipaalam sa inyo ang isa pang nais ng apat na diyos ng panahon.....malaya na ninyong masabi sa mga tao ang tunay ninyong misyon at pagkatao....pero huwag na huwag ninyong ipapaalam maliban sa pamilya ni Rafael ang tungkol kay Zyron. Mananatiling lihim ito sa lahat ng tao maliban sa pamilya niya. Dahil delikado....bata pa si zyron at malamang hindi pa niya lubusang maintindihan ang lahat."

" Hindi po ba dapat malaman ni Zyron?" Tanong ng amang si Rafael.

" Sa Pagtuntong niya sa wastong edad kung saan malawak na ang kanyang pagunawa at kaalaman."

" Nasabi nyo po na may mga iba pang tao sa ibang komunidad maliban sa mga narito nasaan po sila?" Tanong ni Camille.

" Nasa malayong komunidad sila....pero di maglalaon magkakatagpo ang lahat.....at ito ay lubhang delikado."

" Bakit po ninyo nasabi?" Tanong ni remus.

Si Rafael ang sumagot.

" Mapanganib nga sila Remus....tulad ng sinabi ko kanina....mga bandido sila....pumapatay.....ginawa na nila iyan noong bata pa ako....kaya palipat-lipat kami ng lugar."

" Nasa kamay mo na camille ang lahat ng pagbabago sa komunidad na ito....ikaw ang tutulong para sa kanilang hinaharap....malaya kang gawin ang nais mo sa panahong ito dahil hinaharap ito....wala pang nakikitang hinaharap ang mga diyos sa mga taong narito kaya....magiging parte ka sa kasalukuyan nila para sa hinaharap."
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.....
------------------------------------------------------

THE GLASSHOUR 3Where stories live. Discover now