Kabanata LabingLima

829 35 17
                                    

Matapos ang pag-iikot nina Rafael kasama si Remus at Camille ay nagtungo na sila isang kubol kung saan doon idinadaos ang ginagawang pulong ng mga tao sa buong komunidad na gustong makinig ng mga pag-uusapan. Unti-unti ay dumadami na ang tao at maging sa labas ay may mga tao. Ang mga kabataan naman ay nag-uumpukan din sa ilang lugar. Mga kaedad ni Zyron at maging ng kanyang kuya at ate.

Sa nasabing pulong ay si Lolo julius muna ang nagsalita dahil sa ito na ang pinaka-matanda sa buong komunidad. Hanggang sa si Rafael na ang nagsalita dahil siya ang kinikilalang pinuno ng mga tao doon dahil sa magaling itong mamuno sa komunidad maging sa mga lalaking mangangaso at naglalakbay kung saan-saan para sa kabuhayan ng mga tao. Agad namang ipinakilala ni Rafael si Camille at Remus bilang mga bisitang dayo mula sa malayong komunidad kung saan buwan ang inabot sa paglalakbay para makatagpo ng ibang komunidad.

Natuwa ang mga tao lalo na ang mga may katungkulan sa komunidad dahil sa maaring makatulong ang dalawa sa kanilang mga katungkulan para sa ikakabuti at ikakaunlad ng lahat. Maging mga kabataan ay natuwa sa dahilang may panibagong kaalaman silang malalaman na matagal nang nabaon sa limot.

" Mga kasama alam nating lahat na ang buhay natin dito sa komunidad na ito ay masasabing payapa at kahit papaano ay nakakaraos tayo araw-araw. Ngunit hindi natin alam kung hanggang kelan. May mga kaalaman ang ating mga bisita na maaring makatulong sa atin. Ngunit huwag kayong umasa na ang lahat ng bagay ay madali. Alam nating noon pa man sa mga naituro sa atin ng mga nakakatanda sa komunidad na ito na ang mundo at pamumuhay ng mga tao ay hindi ganito. Maayos ang lahat at hindi ganito kahirap kung saan araw-araw ay iniisip natin kung paano tayo mabubuhay. Alam din natin na ang siyensya at teknohiya ang siyang nagpaunlad sa mga bansa at sa mga mamamayan. Ngunit ito rin ang naging dahilan para masira ang lahat sa mundo. Oo nga at maituturing natin na ang pagbabago ay isang paraan para umunlad at mapadali ang lahat para sa ating pamumuhay. Pero tandaan natin na ang lahat ng kalabisan ay may hangganan. Magsilbi sanang aral sa ating lahat ang pangyayari sa ating mundo at sa mga naunang tao sa ating namuhay. Alam kong para tayong namuhay ulit sa sinaunang panahon kung saan ang lahat ay hindi madali sa pang-araw-araw na pamumuhay. Gusto ko sanang sa pamamagitan ng ating mga bisitang dayo ay matulungan tayo sa mga bagay na kanilang sinisimulan sa kanilang pinanggalingang komunidad. Magtulungan sana tayong lahat dahil ang lahat ng ito ay para sa atin at sa darating pang mga henerasyon. Ang mundo ay buhay, nawala man ang buhay nang napakaraming tao, pero nandito pa rin tayo....sa atin magsisimula ang panibagong buhay buhay na kailangan ng mundo. Kung noon nasira ito dahil sa kagagawan ng mga tao....tayong mga tao pa rin ang may responsibilidad na muli itong ibalik sa dati dahil tayong mga tao ang nilikha ng diyos para pangalagaan ang mundo....ito ang ating tirahan kaya mararapat lang na ating pag-ingatan."

Nang matapos magsalita si Rafael ay nagpalakpakan ang mga tao. Nakangiti namang nagkatinginan si Camille at Remus. Hindi maitatangging malaki ang pagpapahalaga ni Rafael sa kaayusan ng komunidad maging sa kalikasan.

Hanggang sa nagsalita ang isang nakakatatandang babae sa komunidad.

" Maari ba nating marinig kung anong maaring maitulong sa ating komunidad ng mga dayo?"

Napatingin naman si Rafael sa mag-asawang camille at remus.

Si Remus ang tumayo bilang asawa at lalaki.

" Mga kaibigan alam ko na parang may alinlangan kayo sa aming mag-asawa. Pero kami po ay mga mabubuting tao. Ituring nyo po kaming kaibigan kaisa ninyo sa komunidad na ito. Malayo man po ang pinanggalingan namin pero isang bagay lang ang pagkakapareho natin ito ay ang kapayapaan sa lahat at magkaroon ng kaunlaran at pagbabago sa ating komunidad para sa mga susunod na henerasyon. Kami po ng aking asawa itinuturing na manggagamot at guro sa aming komunidad. Alam nating lahat kung ano ang idinulot sa atin ng nakaraang delubyo kaya sa ngayon ay unti-unti tayong bumabangon. Alam nyo po sa aming pinanggalingan ay mga mga bagay pa rin kaming naisalba sa delubyo. Mga gamit, kaalaman na naitala ng mga tao noon at mga tao mismong may mga kaalaman at nakaligtas sa trahedyang iyon. Sila po ay namumuhay sa aming komunidad."

Isang binatilyo ang nagsalita na sa unang tingin ay may lahi ito dahil sa mata at kulay.

" Kuya......totoo po ba ang mga bagay na nababasa at naituro sa amin tungkol sa mga bagay na mayroon noon na wala na ngayon? Alam ko po na bata pa kayo at sa aking palagay ay hindi pa kayo buhay ng mangyari ang delubyo."

Nagkatinginan si Rafael, remus, camille at lolo julius. Sa sandaling iyon tumayo na rin si Camille at pumunta sa harapan na nakangiti sa binatilyo.

" What is your name young man?" Tanong ni Camille na nakangiti.

Ang ibang tao ay nabigla man pero ang iba ay hindi lalo na ang nakatatanda. Alam nila ang lengguwaheng ginamit ni camille. Hindi agad nakasagot ang binatilyo at utal na nagsalita.

" Ah....my neym...my neym...Xavier  my neym."

Napangiti si Camille maging ilang naroon.

Hanggang nagsalita si lolo julius.

" Iha.....ipagpaumanhin mo pero ang mga kabataan ngayon ay hindi na lubusang naturuan ng Ingles na lengguwahe....kokonti lang nalalaman nila at kung nais man nilang magbasa ng librong ingles ay nagpapaturo sila sa nakatatanda para maunawaan nila."

" Naiintindihan ko po lolo.....alam ko na sa panahong ganito ay mahirap ng magaral at matuto ng ibang lengguwahe. Pero kailangan pa rin po sa dahilang alam ko po na karamihan sa mga librong naisalba at aming dala din at kaalaman ay sa wikang ingles. Kaya mararapat din po na matutunan natin iyon para maintindihan. Oo nga po na tagalog ginagamit natin dahil pilipino tayo pero mainam na may alam tayong ibang lengguwahe."

Sumang-ayon naman ang mga tao lalo na ang mga kabataan dahil natutuwa silang may mga bagong kaalaman silang matututunan. Binalingan ni Camille muli ang binatilyong may dugong dayuhan.

" Iho...dapat ganito...My Name is
Xavier tapos yung apelyido mo. How old are you?"

Nag-aalangan man ay sumagot pa rin ang binatilyo.

" Ahhh....My name is Xavier Taylor.....Im..... 14 yrs.....old!"

Pumalakpak si Camille na sinundan na rin ng lahat.

" Magaling xavier....alam mo sa itsura mo malamang isa kang american. Ang mga magulang mo ba ay katulad mo?"

" Si papa lang po....pero si mama ay katulad po ng karamihan."

" Nasaan na ang papa mo at mama mo?"

Sa tanong ni camille ay napayukong may bahid na lungkot sa mukha ang binatilyo. Si Rafael ang sumagot.

" Namatay ang kanyang ama dahil sa isang sakit sampung taon na ang nakakaraan. Ang kanyang ina at mga kapatid na lang ang kanyang kasama."

" Im sorry xavier hindi ko nais na ipaalala ang pagkawala ng papa mo."

" Ok lang po ate....nandyan naman po ang mapagmahal kong ina at mga kapatid."

Ngumiti si camille at muling nagsalita.

" Hindi po maitatanggi na sa komunidan na ito ay may ibang lahi akong nakikita. Yung iba naman ay may halo na. Masaya ako na sa komunidad na ito ay nagkakaisa ang lahat. Kaya umasa po kayong gagawin namin ng aking asawa ang lahat para kayo ay muling maturuan ng mga bagay na nakalimutan na at naibaon sa nakaraan."

Nagpatuloy ang pulong at bago magtanghalian ay natapos na rin na masaya ang lahat.
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.....
------------------------------------------------------

THE GLASSHOUR 3Where stories live. Discover now