Kabanata Dalawamput Isa

698 34 10
                                    

Para sa mga patuloy na nag-aabang ng update annavi16,yataiomni,se7en2,E_L_I_A_H,nette_12,ronielyndelarosa,athenabhe.

Sa mga silent readers at sa lahat maraming salamat.

------------------------------------------------------

" Manlalakbay ng panahon?! Bulong ng ilang kalalakihan na nagtataka pa rin sa mga binibitawang pahayag ni camille.

" Kung galing ka sa nakaraang panahon anong kakayahan mo at paano ka nakarating sa panahong ito?! Sigaw ng isang mas may edad na lalaki kay rafael.

Humakbang paatras ng konti si Camille at inilahad niya ang dalawang palad na biglang nagliwanag kasabay ng paglitaw ng isang orasa at agad nagbago ang anyo nito na nagliliwanag. Napatakip pa sa mata ang ilang kalalakihan dahil sa liwanag na nanggagaling kay camille.

Nang mawala ang nakakasilaw na liwanag ay tumambad sa kanila ang anyong manlalakbay nito.

" Isa akong manlalakbay ng panahon na galing sa nakaraan bago pa ang delubyong sumira sa lahat dito sa mundo!"

Biglang napatingin si camille sa isang parte ng makakapal na damuhan na nasa bahaging likuran ng mga kalalakihan. Agad niyang initsa ang hawak na sibat at mabilis itong tumama sa bahaging damuhan. Mabilis ding bumalik kay camille pabalik ang sibat ngunit may nakatuhog ng isang ahas na sawa. Nabigla ang lahat ng kalalakihan maging si remus at rafael. Bumagsak ang sibat sa harap ni camille kung saan nakatusok pa rin sa ulo ng ahas ang sibat. Kumikisay pa ito at walang takot na tinapakan ni camille ang bahagi ng ulo nito at walang hirap na binunot ang sibat. Pinaikot niya ito sa kamay at agad naging itak at tinagpas ang ulo ng sawa.

" May huli na tayo! Kumakain ba kayo ng ganito?!" Sigaw ni camille.

" Wooooohooo!" Sigawan ng lahat na agad dinampot ang sawa at inilagay sa isang sako. Nakangiting nakamasid lang si rafael...nakangiwi naman si Remus sa naisip na gagawing ulam ang ahas.

" Alam kong nagtataka kayo kung anong uring nilalang ako! Tao din ako pero ang aking angkang pinanggalingan noong pang mga unang panahon ay pinagpala ng apat na diyos ng panahon sa patnubay ng dakilang lumikha. Ang aming angkan ay isa sa itinakdang angkan ng mga manlalakbay ng panahon."

" Ngunit bakit ka narito sa aming panahon anong ginagawa mo rito?! Napakahirap ng buhay ng mga tao sa panahong ito!" Tanong ng isang kaedad lang ni camille na lalaki.

" Bilang isang manlalakbay ay may nakaatang sa aking misyon! At ang misyong iyon sa akin ay maglakbay sa panahong makita ang idinulot ng delubyo at ito nga ay sa panahong ito na! Sa panahong ito na labis ang kahirapan ng mga natirang mga tao ay misyon kong matulungan kayo na muling matuto at mamuhay ng maayos. Magkaroon ng kaalaman, pagsisimulang muli para sa kalikasan at hindi ang pagsira. Gusto kong sabihin sa inyo na hindi naging maganda ang naidulot ng syensya at teknolohiya sa mundo. Umabuso ang mga tao sa pagtuklas na maging ang kalikasan ay nasira. Hindi masamang tumuklas ng mga bago sa mundo pero nasa kamay nating mga tao ang responsibilidad."

" Tao ka rin ba?" Tanong din ng isang lalaki.

"Tao ako.....tatanda at mamamatay din. Sa aking panahon ay yung dati kong anyo kanina....bente singko lang ako. At isa akong guro sa aking panahon....ang aking asawa naman ay normal na tao lang ngunit may kaalaman din siya sa mga bagay na paranormal dahil ang angkang pinanggalingan niya ay lahi ng mga babaylang nagsasagawa ng mga ritwal na ispirutwal. Isa na siyang nars at nagaaral maging doktor sa aming panahon."

THE GLASSHOUR 3Where stories live. Discover now