[3] Late Enrollees.

171K 1.4K 95
                                    

[3] Late Enrollees.

 

   "Kiejan?"tumingin siya sa akin. Kitang-kita ko ang dark aura niya. Simula nang sunduin niyo sa apartment kanina, wala na siyang kibo. Pansin ko din na para siyang hindi nakatulog dahil sa eyebags na halos tabunan na ang mata niya.


   "Hmm?"


   "Ayos ka lang ba talaga?" tumango siya at ngumiti sa akin. Huminto ako sa paglalakad ditto sa hallway. Hinawakan ko ang braso niya at pilit pinapatingin sa akin.


   "May mali talaga sa'yo. Tara muna doon sa bench. Mag-usap tayo." hinila ko siya papunta sa pinakamalapit na bench. Umupo kaming dalawa doon. 30 minutes pa naman bago magsimula ang klase kaya may oras pa kami para mag-usap.


   "Ano ba talagang problema mo? Galit ka ba sa akin?" umiling siya.


  "Hindi ako galit sa'yo. Inaantok lang ako kaya ganito." Pero hindi ako naniniwala sa sinabi niya.


   "Tungkol ba 'to kagabi?" bumuntong-hininga siya. Sabi na nga ba. Iniisip pa din niya ang tungkol doon.


   "Hindi ba napag-usapan na natin ito kagabi? Ayos na ko." Sabi ko sa kanya. Tumingin siya sa akin.


   "Alam ko pero ako hindi ayos sa pagbabalik niya. Dapat hindi na siya bumalik. Dapat tumira na lang siya kung saang lupalop man siya pumunta. Masaya na tayong wala siya. Masaya n asana kaya dapat hindi siya bumalik." Halata sa kanya na naiirita siya. Pinitik ko ang ilong niya kaya napahawak siya doon.


   "Masaya na nga tayo, Kiejan. Masaya na tayo kaya hayaan mo na siya. Alam ko namang babalik talaga siya. You just have to accept it. Hindi naman ako tatakbo at babalik sa kanya na parang walang nangyari." Napangiti naman siya sa sinabi ko. Nagflying kiss siya then tumakbo na sa room namin. Napakaloko talaga. Nalimutan ata niya na magkaklase kami. Sinundan ko na lang siya.


   Everyday kaming sabay pumasok at maglakad sa room dahil iisa lang ang building ng accountancy at engineering at syempre dahil—


   "Jan!" tumingin ako sa gilid ko at nakita si Zac na sumasabay na sa paglakad.


   "Good morning."


   "Good morning din Jan. Kamusta pag-uusap niyo ni Nate kahapon?"napakunot ang noo ko. Napahinto pa ko sa paglalakad.


   "Bakit alam mo?"nginitian niya lang ako at kumindat.


   "Basta. Masaya ako na nagkausap na ko. Magkabati na sana ang paborito kong couple. Bye!" hindi na ako nakapagsalita dahil tumakbo na agad siya sa room niya.


    Hindi ko na inintindi pa ang sinabi ni Zac at pumasok na lang ako sa room ko.


   "Jan good morning! Bakit naunang pumasok si Kiejan sa room?" pambungad ni Luke pagkaupo ko sa upuan ko.  


   "Nako, inunahan ako. Bwiset 'yan eh. And nakasalubong ko kasi si Zac sa labas."sabi ko. Agad naming sumulpot ang katabi kong si Kiejan.


   "Anong sabi sa'yo?" tanong nito.


   "Naggood morning lang." I lied. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na tungkol kagabi ang pinag-usapan namin dahil kung anu-ano na naman ang iisipin niya.

  

   "Ahhh. Mamaya daw pala walang klase dahil ipamimigay na nila yung perang nalikom ng bawat students sa charity ng MC." kapag talaga free time si Kiejan ang nauuna.


   "Eh bakit pa tayo pinapasok? Naman oh! Sana nakipagdate na lang ako!" binatukan ni Luke si Ren. Nangangamoy playboy dito.


   "Kaya tayo pinapasok para daw maiwasan mo ang pakikipagdate kung kani-kanino. Hahaha!" binatukan din ni Ren si Luke. Magsakitan daw ba?


   "Makapagsalita 'to akala mo naman siya hindi!"


   "Bakit, sinabi ko bang hindi? Bopols ka din ano?" at ayun, nagsapakan ang dalawa. Nasanay na talaga ako sa dalawang ito kaya hindi na namin sila pinigilan sa pag-aaway. Hihinto din naman sila kapag napagod na.


   "JL, ako hindi babaero." bulong sa akin ng katabi ko. Tumawa ako ng mahina.


   "So what?" sabi ko gamit ang pang-asar na tono. Nagpout siya at kunwari nagtatampo.


   Dumating si Mrs. Dizon na nakangiti. Umayos ang mga kaklase ko at bumalik sa kanya-kanyang upuan.


   "Good morning, class! I will introduce to you our late enrollees." Tumingin siya sa pintuan at may pinapasok.


   Pumasok ang dalawang lalake at isang babae. Wait, why is he here?


   "I'm Nate Lee." After he introduced himself, mga kinikilig ang mga kaklase ko. May mga titig na titig pa nga sa kanya. Mukhang nawala na naman ang saya sa mukha ni Kiejan.


   "Hi there guys! I'm Janella Gonzaga call me Ella." boys are staring at her. No wonder boys are looking at her. Sa ganda ba naman niya at sexy na katawan.


   "Hello everyone especially those beautiful ladies in front of me. I'm Vancy Ron Rosales also known as Van." mas lalong kinilig ang mga babae kong mga kaklase.


   "JL, kinikilig ka ba?" bulong sa akin ng katabi ko. Sino pa nga ba?


   "Why would I?" sagot ko. Lumapad naman ang ngiti ng loko.


   "You may seat wherever you want transferees." naghanap sila ng pwedeng upuan. Si Ella hinila si Nathan sa may likod. Si Van naman umupo sa kaliwa ko.


   Van smiled at me. Grrr, creepy.

  

   This will be a lot differ than last year.

   

*MCB2* Chasing my Contract GirlfriendWhere stories live. Discover now