[40] Twist in their Story.

52.1K 856 338
                                    

Hala. Papalapit na ng papalapit ang ending. WAAAAAAAAAAAAAAH! TT^TT

May mga paborito ba kayong lines from different chapter ng CMCG? Tweet niyo sa akin para malaman ko basta don't forget our official hastag: #LLWCMCG

EXAMPLE:

"I'm inlove with the man I can never have." -Ella (CHAPTER 18) #LLWCMCG


I'll favorite or retweet your tweets :)

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

Mich:

"Nako kung hindi lang talaga broken hearted ang loko-lokong 'yon baka binugbog ko na. Ang walang hiya yung kotse ko pa ang dinala!"inis na inis na sabi ni Zac.


Dito na siya sa van na gamit ni Marco siya sumakay dahil nga ang kotse niya ang ginamit ni Nate kanina.


"Kapag talaga nagasgasan 'yon o kaya nadumog papalitan niya 'yon!"sigaw na naman ni Zac.


"Hoy tanda 'wag ka na magalit pa kay Nate. Intindihin mo na lang."sabi ni Ren dito.


"Manahimik ka dyan."


"Guys, tignan niyo itong picture!"sabi ni Yhanna dahilan para mapukaw ang atensyon naming lahat.


Ako ang unang tumingin ng phone ni Yhanna na may picture from internet. Nakaupo ako sa harap katabi ni Marco na nagdadrive.


Nakita ko ang isang wedding picture. Picture ni Jan at Van.

"Tinuloy pa din ni Jan ang kasal."I said in dismay.


"We need to separate ways."Ella butted in."Mich and Yhanna, let's go to the reception. We'll talk to Jan."


"Sasama ako."tumingin kami kay Kiejan. Tumango na lang si Ella. Sabagay, si Kiejan makakatulong din kung sasama siya. Kahit naman kasal na sila Jan at Van mapipigilan pa din namin. Kaya nga may annulment diba?


"Kami na ang bahala sa paghahanap kay Nate. Mag-iingat kayo and control your angers. Kiejan ikaw na bahala."pagpapayo ni Zac.



Magagawa kaya naming pigilan ang nararamdaman namin kapag nakita na namin si Jan?


Kung nagkataon, ito ang unang beses na makakausap namin siya after ng mga nangyari.


Mga ilang minuto lang din nakarating na kami sa M's, kung saan gaganapin ang wedding reception.


Nagawa naming makapasok sa hotel dahil may mga invitation kaming dala. Agad kaming pumunta sa 2nd floor(floor na ginaganapan ng iba't ibang party) kung saan nandoon ang mga bisita at ang bagong kasal.


Pagkapasok namin, nakita agad namin ang mga piling bisita. Halos mga business people ang mga nandoon.


Nakita namin si Van sa mini stage na para sa mga newly wed.


"Nandoon si Jan."sinundan namin ang tingin ni Kiejan. Kausap pala ni Jan ang mga magulang niya. Hindi rin pala umattend sina Jop at Jin.


*MCB2* Chasing my Contract GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon