[EPILOGUE]

34K 789 168
                                    

EPILOGUE

"Than, mamaya mo na ituloy sa mga kapatid mo iyang ikinukwento mo. Kumain muna tayo at nang makapaghanda na tayo. We'll celebrate his 8th death anniversary."tumango ang anak ko at pumunta na sila sa dinner table para makakain na kami.

"Mommy, where's dad?"tanong ng anak kong pangatlo. Si Emerald.

"He visited the grave of your grandfather. Susunod nalang daw siya sa atin."

"He must be lonely right now. He must be lonely because of grandpa's death."sabi ni Than. Nakita ko ang lungkot na saglit sumilay sa mga mata niya.

"K-Kuya I c-can't reach it!"sabi ng bunsong anak ko na si Jandy kay Than.

"Here."inabot ni Van yung sausage kay Jandy at sumabay na din sa aming kumain.

"Nakabalik ka na?"tumango ito. Siguro'y nagpahatid na siya sa driver para makasabay namin.

Kumain kami ng tahimik. Ganito ang set up sa tuwing dadalawin namin siya. Siguro'y dahil na rin kahit gaano na katagal ang pagkakamatay niya, may kirot pa din sa puso namin. May hinanaing pa din na sana'y hindi nangyari ang lahat.

"Mommy, can I take the shower first?"sabi ng anak kong bunso.

"Of course baby."nagpabuhat ang anak ko sa akin at magiliw ko naman itong binuhat.

Pumunta kami sa kwarto nila ng kapatid niyang si Emerald at dumiretso sa cr nila.

"Mommy, I love you."nagulat ako sa sinabi niya. Biglaan kasi at hindi ko akalaing magsasabi siya ng ganoon habang nandito kami.

"I love you too, baby. Anong mayroon at ang sweet ng baby ko?"

"Na isip ko lang po na we are very lucky to have you as a mother. Kanina po nung nagkukwento si Kuya, nakita ko po ang paghihirap niyo."napangiti ako. Natutuwa ako sa mga anak ko lalong-lalo na kay Than. Tuwing dadalaw kasi kami sa sementeryo, laging nagpapakwento ang mga kapatid niya tungkol sa buhay ko at ng mga tatay nila at hindi naman siya nagsasawang paulit-ulitin ito sa mga kapatid niya.

Binihisan ko na ang anak ko nang matapos. Naka-blue laces dress ito na kapareho sa dress na susuotin ng kanyang kapatid. Ang pinagkaiba nga lang nila ay ang kulay. Pink dress ang sa kapatid nito.

Nang matapos kong ayusan ang bunso kong anak, lumabas naman ng cr ang kapatid nitong babae. Nag-alok ako na ako na lang ang magpapaligo sa kanya pero ang anak ko na si Emerald ay feeling nagdadalaga na. Gusto niya'y siya na ang kumikilos para sa kanyang sarili.

"Mom, can you teach me how to braid my hair?"she asked me after putting her sandals.

"Come here, Eme."ipinakita ko sa kanya kung paano at makalipas ang ilang minuto ay natutunan niya na itong gawin.

"Jandy, can you check your brothers if they are done?"tumango ito. Sabay kaming lumabas ng kwarto nila. Dumiretso siya sa kwarto ng mga Kuya niya samantalang dumiretso ako sa kwarto ko.

Naligo na ako at nag-ayos ng sarili.

We came too far than what I expected. Hindi ko inakalang magiging masaya pa din pala ako despite of everything. Kahit na namatay siya.

Tumingin ako sa repleksyon ko sa salamin.

Every pain that past gave us were worth it because of what happiness we are experiencing now.

That sacrifice he did will always leave a mark in my heart.

Someone knocked. Bumukas ang pinto at pumasok ang anak kong si Than.

*MCB2* Chasing my Contract GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon