[11] The Shoes and The Ringtone.

155K 1.2K 319
                                    

[11] The Shoes and The Ringtone

Jan:

"Your project for this quarter is all about how math can have an impact in every experiences or task that people do or did."explain ni Mrs. Dizon. Project project project. Parang alam ko na kung ano papagawa ah. 

"You need to interview atleast 5 persons. And after that, have a written essay wherein math is occurred in that situation. Pass that maybe next week." Nextweek na agad? Ay naman! Tinatamad pa naman ako. Interview pa. Pssh.

"Mrs. Dizon, wala ba kaming partner?"sabi ni Hans.

Yeah, kilala ko na mga kaklase ko. Lakas ng virus ni Kiejan e. Kapag may bago siyang kakilala, pinapakilala niya sa akin. Kaya dumadami friends ko.

"Meron syempre! Ayokong mahirapan kayo at syempre, hirap hirapan naman ako kung isa-isa kayo na magbibigay sa akin ng written essay."astig talaga ni Mrs. Dizon. Hindi siya terror na teacher in fact sobrang bait niya at cool pa.

"Speaking of that, nakaisip ako ng bagong way para mahanap niyo ang partner niyo."

Kinuha niya yung white box at black box.

"Ang mga girls bubunot dito sa white box ng isang papel. Yung boys naman sa black box. May nakasulat na word doon sa papel na 'yun. Hahanapin niyo sa mga boys or girls, ang partner niyo. Ang partner niyo ay ang kapareho niyong word. Gets?"

"Yes Mrs. Dizon."sagot namin. Hala bunutan pala. Sayang naman, edi sana si Kiejan ang partner ko.

"Let's start."bumunot kami isa-isa sa box.

Nang makabunot na ang lahat, sabay-sabay naming binuksan ang hawak naming papel.

Shoes.

"Para hindi kayo magkagulo at para nasa ayos tayo, isa-isang sasabihin ng mga boys ang word na nasa kanila. Girls, kapag yung word na binasa ng mga boys ay tulad ng sa inyo, just raise your hand then tabi kayo sa partner niyo."tumayo na si Rod. Siya kasi yung boy na nasa harap kaya sa kanya na nagsimula.

"Infinity."sabi ni Rod. Nagtaas ng kamay si Carla. Maraming naghiyawan at kinilig dahil may gusto si Rod kay Carla. Si Carla naman hindi pa umaamin na may gusto siya pero halata naman. At infinity pa talaga ang word na napunta sa kanila.

Sumunod na ang iba pang mga boys hanggang sa umabot na kay Kiejan.

"Chocolate."sabi niya. Tumingin pa siya sa akin after niyang sabihin iyon. Umaasa na ako ang kapartner niya. Umiling ako.

Hinanap ko ang nakataas ng kamay.

Si Ella.

*MCB2* Chasing my Contract GirlfriendΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα