[44] It's Not Enough.

40K 901 247
                                    

#LLWCMCG

AN:

Hindi kayo nag-iingay sa twitter. Nakakapagtampo. Hahaha. After niyong magbasa, tweet kayo ng mga comment niyo gamit syempre ang ating official hashtag!

Thank youuuu! xx

-----------------

Jan:

"Kumain ka na ba?"tumango lang ako at ngumiti sa kanya."I'm sorry I let you eat alone. Kailangan ko lang kasi talagang ayusin yung mga requirements para sa Board Exam."

"Okay lang. Bawi ka na lang. You know, chocolates and we will be fine."napabungisngis siya sa sinabi ko.

"Still the Eliza I've known. The crazy over chocolate girl. I'll buy you something tomorrow."

"Good. Let's start?"tumango siya at pinagpatuloy na namin ang pagrereview namin.

May mga itinatanong siya sa akin at ganoon din ako sa kanya. May mga topic kasi na medyo nakalimutan na namin siguro dahil sa tagal na din ng panahon at sobrang daming nangyari na dahilan para halungkatin ang mga nalalaman namin sa pinaka-ilalim ng mga isip namin.

"Ay!"nahulog yung lapis ko dahil natabig ko ang kamay niya.

Nahulog ang lapis ko sa may paa niya. Magkatabi kasi kami ni Nathan sa iisang study table.

Pilit kong inaabot ito at ganoon din siya kaya ang kinalabasan,

"Aray ko!"/"Ah Sh-it!"

Pareho kaming napahawak sa mga noo naming nagkabungguan.

"You okay? I'm sorry it's my fault!"sabi niya. Natawa nalang ako. Nakita kong kumunot ang noo niya habang nakahawak ito sa banda ng ulo niya na nauntog.

"Hahahahahahahahaha!"

"Are you done laughing?"

"Hindi pa wait. Hahahahahaha! O ayan, tapos na kong tumawa."

"Ha-ha. Funny."bumalik na siya sa kung anong ginagawa niya at hindi na ko pinansin.

"Sorry na. Natutuwa lang naman kasi ako. Naalala ko lang yung itsura mo nung nauntog ako dati sa L room."napatingin ulit siya sa akin. Kung kanina nagtatampo ang mukha niya, ngayon naman ay natatawa na siya.

"Sobrang nag-alala ako nun. You silly. Pinagtatawanan mo lang pala ang pagiging concern ko sa'yo."balik tampo na naman siya. Napangiti ako.

"Tampo pa. Nathan, natutuwa ako. Natutuwa ako dahil sobrang concern mo sa akin. Magkaiba ang natutuwa sa natatawa."

"Alam ko, spelling pa lang magkaiba na."inirapan ko siya.

One week na kaming magkasama ni Nathan sa iisang bahay. Kailangan kasi naming magreview for the upcoming board exam at malapit lang dito ang building kung saan magaganap ang exam at ang review center.

Katatapos lang ng review namin kanina at binigyan kami ng take home quiz. Napagpasyahan naming dalawa na tapusin na ngayon para bukas wala na kaming iintindihin pa.

One week na kami dito pero hindi man lang kami nagkaroon ng chance na makapamasyal dahil sa sobrang daming inaasikaso.

Nauna akong natapos sa kanya. Inayos ko na ang gamit ko at umupo muna sa sofa. Ang tagal na din nang huli akong nagsagot ng quiz. Para akong nagbabalik sa dating ako.

"Hoy, nagdeday dream ka dyan kahit gabi na. Tapos na ko, hindi ka pa ba inaantok?"pagkasabing-pagkasabi niya, naghikab ako. Natawa tuloy siya at inayos na ang gamit niya. After niyang mag-ayos ng gamit, umupo siya sa tabi ko at sumandal sa sofa.

*MCB2* Chasing my Contract GirlfriendWhere stories live. Discover now