[12] Math Project or Love Project?

158K 1.3K 218
                                    

An:

Guys napakasaya ko! Nafeatured ang MCB dito sa wattpad! Lalo tuloy dumadami ang readers and I'm really happy! :"""> Sana dumami pa kayo ng dumami! :) Thank you sa mga nagbabasa. Gagawin ko ang lahat para mapaganda ang story na ito! :) <3

PS: COMMENT NAMAN KAYO! KUNG SINO PINAKAMAHABA AT MAGANDANG COMMENT, IDE-DEDIC KO YUNG NEXT CHAPTER :)

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

[12] Math Project or Love Project?

Jan:

Nagdiscuss si Mrs. Dizon after ng pag-uusap tungkol sa project. Bumalik na rin kami sa proper seats namin. Ano ba 'yaaaaaan. Hindi pa rin ako mapakali. Ang tahimik kasi ni Kiejan at nagsusulat lang siya. Nagselos ba siya kanina? Nagagalit ba siya? Nako, ayokong magalit sa akin si Kiejan. Dahil lutang ako, nagpilas ako ng isang page sa notebook ko. Susulatan ko si Kiejan.

KL, galit ka ba? Ang tahimik mo :'(

Dahil katabi ko naman siya, hindi na ko nahirapan pang iabot yung papel. Nilagay ko sa armchair niya habang diretsong nakatingin lang ako sa whiteboard. Ramdam ko naman na kinuha niya ito.

Maya-maya din inabot niya ulit sa akin.

KL, galit ka ba? :'(

Hindi, masakit lang ulo ko. Punta akong clinic ha? :)

Bumalik ang tingin ko sa kanya. Nakatingin pala siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya. Ngumiti din naman siya sa akin pero parang pilit lang. Tumayo siya at nagpaalam na pupunta siyang clinic. Masakit ba talaga ulo niya? o masakit puso niya? Hay, ewan.

Zac:

"What is that Zac? You called me in the middle of our class!"galit na galit na sigaw ni Nate. Habang nagagalit siya, hindi ko maiwasang tumawa ng tumawa. Tinanong naman niya ako kung bakit ako tawa ng tawa.

"You're blushing! Ang pangit mo hahaha!"Natigil ako sa pagtawa dahil nagdeath glare siya pati ang barkada natigil sa pagtawa.

"Eto naman. 'Wag ka nga magalit dyan! Kasama 'yun sa plano!"pagpapaliwanag ko. Baka kasi kung anong gawin sa akin nito. Grabe kasi magalit eh.

"Really? Tss. For plan or for fun?"umupo siya at tinignan lang ako ng nakakunot ang noo. Nakakatawa talaga si Nate kapag napagtitripan. Hindi nagiging epic fail eh. Kung maging epic fail man, nakakatawa pa din.

"Both? joke lang!"Ang totoo niyan, napagtripan lang namin siya nina Ren. Masyado kasing seryoso at hindi alam kung paano lalapit kay Jan kaya kami na ang dumiskarte para sa kanya.

Hiniram ko kasi cellphone niya. Sinabi kasi sa akin ni Charles na nung minsan daw na kasama niya si Nate at saktong may tumawag sa kanya, yun pa din daw ang ringtone at hindi pa rin pinapalitan kaya naisip naming tatawagin ko si Nate kapag binigyan na ko ng signal nina Luke na pwede na. Ang nakakatawa pa, perfect timing pala yung pagtawag ko dahil magkatabi pala sila.

*MCB2* Chasing my Contract GirlfriendWhere stories live. Discover now