[45] Another Deal.

33K 768 166
                                    

AN:

Hi Guys! Kitakits  po tayo sa September 21 sa Mall of Asia. Magkakaroon po ng Manila International Book Fair. Kaya grab your own copies of MCB and bring it in that day! I'll sign it! Mamimigay po ako ng mga giveaways :)

Kung wala pa po kayong MCB book, you can buy it sa mismong event :)

Thank you! :**

#LLWCMCG

-------------

[45] Another Deal

Jan:

May mga bagay na kahit pinagsisisihan mo na, hinding-hindi mo na mababago pa.

Tumayo na ako mula sa matagal na pagkakahiga. Kanina pa ako gising pero mas pinili kong manatili sa kama ko nang mas matagal. Ayoko muna kasing lumabas ng kwarto. Dahil paglabas ko ng kwartong ito, sasampalin na naman ako ng katotohan na, hindi siya sa akin.

Pagkatapos kong maligo, magbihis at mag-ayos ng sarili, umupo muli ako sa kama.

Dapat ang gaan na ng pakiramdam ko ngayon eh. Tapos na ang board exam. Peeo bakit ganoon? Parang hindi pa din nawawala ang pangamba sa loob ko?

Mamayang gabi, babalik na ulit kami sa kanya-kanya naming buhay. Babalik na siya sa buhay niya.

Napagdesisyunan kong lumabas na ng kwarto pero di pa man ako nakakatayo ay nagring ang phone ko. Tamad na tamad kong kinuha ito sa side table at walang siglang sinagot ito.

[Jan, I have a plan.]pambungad nito sa akin.

"What is it Van?"

[May na-hire na ako. He will do the plan. All you need to do is to play your real role. To bring him back.]

"Van, he chased me. And I am here, wanting him to chase me again. But this time, I won't reject him."

xxxxxxx

Lumabas ako ng kwarto. Nadatnan ko siyang inaayos ang mga sa tingin ko ay pasalubong niya para sa asawa't anak niya. Huminga akong malalim. Jan please, 'wag mong masyadong isipin. Ikaw lang din ang masasaktan. Stop please.

Isinarado na niya ang maleta niya at tumayo. Nang mapansin niya ako, lumapit siya sa akin.

"Dalhin ko na yung maleta mo sa car?"

"Yes, please. Kakausapin ko lang yung may-ari ng bahay."tumango siya at kinuha na ang maleta na hawak ko. Sabay kaming lumabas ng loob ng bahay. Bumaba siya ng hagdan samantalang ako naiwan sa balkonahe ng bahay kung saan nandoon ang may-ari ng bahay.

"Nay Fely, alis na po kami. Thank you po sa pagpaparenta ng bahay sa amin. Mamimiss ko po yung luto niyong Laing. The best po kayo!"nagmano ako bago ko ito yakapin.

"Eto hija, pinagbalot ko kayo ng afritada at kanin para kahit papaano mayroon kayong makain kung sakaling nagutom kayo sa byahe. Mamimiss ko din kayong dalawa. Sana'y makabisita kayo dito kahit paminsan lang."Inabot niya sa akin ang paperbag. Magiliw ko namang itong tinanggap at nagpasalamat.

*MCB2* Chasing my Contract GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon