[27] Crash and Burn.

96.2K 1K 184
                                    

Follow me on twitter @longlostwriter and join in the fb group if you're a fan of this story : longlostwriter's stories

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

Jan:

Nakaluhod siya sa harap ko. Umiiyak. Nagmamakaawa.


Tumulo na lang bigla ang mga luha ko. Parang may tumutusok sa puso ko.


"J-Jan... Please c-comeback."umiiyak siya habang nakaluhod sa harap ko.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kahit si Nathan na nasa gilid ko ay mukhang nagugulat pa din sa mga nangyayari at mas piniling manahimik na lang.


"Kiejan please tumayo ka."pilit ko siyang pinapatayo pero nanatili lang siyang nakaluhod sa harap ko. Sa tingin ko'y nasa impluwensya siya ng alak ngayon kaya nagagawa niya ito.


"K-Kiejan!"napatingin ako sa babaeng kadarating lang. Lumapit siya kay Kiejan at pilit pinatatayo ito.


"S-Stay away E-Ella!"pero hindi niya pinakinggan ang sinabi ng binata at pilit pa rin niya itong pinatatayo.


"A-Akala ko kakayanin kong wala ka pero nagkamali ako. Sa bawat araw na hindi kita nakakasama, sa bawat oras na siya ang hagkan mo at hindi ako, ang sakit-sakit."


"J-an ako na lang ulit. N-naging masaya naman tayo diba? G-gagawin ko naman lahat eh. P-Please ako na lang."humahagulgol siya. Napapikit ako hindi ko na alam ang gagawin ko. Nasasaktan akong makita na nasasaktan din siya.


"K-Kiejan, oo naging masaya ako pero hindi ko kayang magsinungaling sayo at sabihing ikaw ang dahilan ng totoong pagiging masaya ko kung ang totoo ay si Nathan ang magiging dahilan para maging ganap na masaya na ako."


"S-Sabi mo mahal mo ko. J-Jan kasinungalingan ba ang sinabi mo?"umiling ako. Hinawakan ko ang magkabilang kamay niya.


"No, no. Totoo ang sinabi ko sa'yo. Mahal kita Kiejan. Minahal kita pero mas mahal ko siya."napapikit siya at nakikita ko ang mga luha niya na patuloy na lumalabas mula sa mata niya.


Nanlulumo ako sa sarili ko. Kung hindi ko hinayaan si Kiejan na lalong lumalim ang pagmamahal niya sa akin edi sana walang ganito ngayon. Sana hindi siya umasa.


"A-Akala ko wala ng mas sasakit pa sa paulit-ulit mong paghindi sa panliligaw ko sa'yo. N-Na pinakamasakit ang paulit-ulit na pagbasted mo sa akin. Pero alam mo, nagkakamali ako. M-Mas masakit pa din pala na makita kitang masayang-masaya sa piling n-niya."


Nagawa na siyang itayo ni Ella. Napansin kong namumula na rin ang mukha ni Ella at singhot na rin siya ng singhot. Alam kong nasasaktan din siya sa mga nangyayari. Nasasaktan siya dahil nakikita niyang nasasaktan ang taong mahal na mahal niya.


*MCB2* Chasing my Contract GirlfriendWhere stories live. Discover now