[19] New Year New Life. (Part 1)

135K 1K 197
                                    

Follow me on twitter @longlostwriter and join in the fb group if you're a fan of this story : longlostwriter's stories

Jan:

"SI ELLA LOVE SI KIEJAN?"lalo kong sinubsob ang mukha ko sa death note pillow ko.

Kailangan bang isigaw pa ni Yhanna? Mas lalo ko tuloy nadadama.

Hanggang ngayon na nakauwi na ko sa apartment, nagloloading pa rin sa utak ko lahat.

Hindi kasi expected na kay Kiejan pala siya may gusto. Never naman kasi siyang gumawa ng move para kunin sa akin si Kiejan na karaniwang ginagawa ng ibang tao.

At si Nathan pa ang sinabi niyang mahal niya kunwari.. Ang gulo-gulo.

Umupo ako ng maayos sa kama ko at matamlay na tumingin sa kanila.

"Jan, kaya mo pa ba?"sabi ni Mich sa akin. Halatang sobra siyang concern.

Nakakainis naman. Tuwing ganito si Mich hindi ko magawang magtago ng totoo kong nararamdaman.

Agad nagsibalikan sa puso't isipan ko ang mga bagay na tinago ko na at pilit ibinabaon sa limot.

Hindi ko na namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko.

"Hindi ko na alam gagawin ko. Ang gulo-gulo na ng isip ko."

"Jan alam mo, ikaw lang nagpapagulo. Huwag mo kasi agad itatago sa sulok yung bagay na importante pa sa'yo."sabi ni Mich. Binato ko siya ng isang teddy bear na maliit.

"Nagbiro pa."binato naman niya ulit sa akin yung bear.

"Hindi ako nagbibiro. Jan simula palang gets na namin na kayo na ni Kiejan. Kaibigan mo kami kaya alam namin."nagulat ako sa sinabi niya.

Alam nila pero never silang nagtanong? At ang akala ko hindi nila alam?

"Bakit hindi niyo sinabi?"sabi ko.

"Hinihintay kasi namin na ikaw ang kusang magsabi Sissy."sabi ni Yhanna. Lalo akong naiyak. Nilihim ko sa kanila.

"Tsaka narinig kasi namin yung pag-uusap niyo ni Kiejan dati. Yung gagawin niyong April 1."sabi ni Mich. Natawa pa siya. Isinubsob ko ang mukha ko sa tuhod ko.

"Sorry.. Sorry dahil hindi ko pinaalam sa inyo."

"Shhh. Okay lang sa amin 'yun. Naiintindihan namin."niyakap nila akong dalawa na lalong nagpahagulgol sa akin.

"Basta lagi mong tatandaan na kapag handa kana na sabihin ang totoo mong nararamdaman, nandito lang kami."

"Salamat dahil kahit anong gulo ng buhay ko, nandito pa din kayong dalawa na handang magstay sa buhay ko."kumalas sila sa pagkakayakap at hinawakan ni Mich ang kanang kamay ko sabay tingin sa akin ng mataimtim.

*MCB2* Chasing my Contract GirlfriendWhere stories live. Discover now