[21] After the break up.

126K 1K 131
                                    

Follow me on twitter @longlostwriter and join in the fb group if you're a fan of this story : longlostwriter's stories

Jan:

2 weeks na ang nakakalipas.

Marami na ang nagbago since THAT day.

Madalang na kong pansinin ni Kiejan. Palaging si Ella na ang kasama niya. Sila na kaya?

Kahit naturingan na kaklase ko sila, hindi ko ramdam na nag-eexist ako para sa kanila.

Kapag may activity kami at naging magkapartner kaming dalawa, gumagawa siya ng paraan para makipagpalit sa iba.

Kapag nadadaanan ko siya sa hallway, lalagpasan niya lang ako.

Kapag nagkakatama ang mga mata namin. Siya ang unang umiiwas.

I hate it.

But maybe this is his ways to moved on in life without me.

Masakit din pala. Hindi man masakit na hindi na kami, masakit naman dahil nawala ang long time bestfriend ko.

May mga bagay talaga na dapat hindi mo sinusubukan. Dapat steady lang. Hindi dapat pinapasok ang isang bagay lalo na hindi mo alam kung tatagal ba o magwowork out man lang ba.

"Eliza, are you okay?"umayos ako ng upo at tumingin sa paupo pa lang sa tapat ko na si Nathan. Dala niya ang tray ng binili niyang pagkain para sa amin.

Tumango ako. Kasabay niya ding umupo sina Ren at Luke na nag-aaway pa kung saan pupwesto.

"May sakit ka ba Eliza?"sabi ni Ren na hindi mo malaman kung concern ba o nang-iinis lang talaga.

"Gusto mo ba ako este kumain Eliza?"sabi ni Luke na natatawa pa. Mga loko talaga. Iniinis na naman nila si Nathan.

Pinagbabatukan sila ni Nathan.

"Say it again and I'll kill both of you. Jan not Eliza."pagbabanta ni Nathan sa kanila with matching death glare pa.

"ELIZA! Hahaha!"sabay na sabi nila and I swear inis na inis na si Nathan. Kung nakamamatay man ang death glare niya, for sure kanina pa nilalamayan sila Luke.

Tinupad ni Nathan ang sinabi niya. Tinupad ni Nathan ang mga bagay na dati pinangarap ko mula sa kanya.

Pinatunayan niyang mahal niya ako.

---

Flashback:

Nagulat ako ng bigla akong iwan ni Kiejan after niya kong yakapin. Iniwan niya ako dito sa dagat. Kahit nasasaktan siya, nahihirapan, at nanghihina nagawa niyang magparaya.

Nagbreakdown na ako. Humahagulgol ako sa iyak. Ang sakit-sakit. Ngayon, nararamdaman ko ang katangahang ginawa ko.

Kahit balibaliktarin ko ang sitwasyon, kahit hindi ko naman talaga intensyon, parang ginamit ko lang siya. Ginamit ko siya para sa panandaliang saya. Ginamit ko siya para lang malimutan ko ang taong parte ng nakaraan ko.

Ngayon na nagbalik ang nakaraan, naramdaman niyang napag-iwanan na siya.

Masakit man isipin o tanggapin, para sa ibang tao, ginamit ko lang siya.

Inabuso ko ang pagiging mabuti niya sa akin. Inabuso ko ang kaibigan ko. Inabuso ko ang pagkakataon.

Mapapaupo na sana ako dahil nanglalambot na ang mga tuhod ko pero nagulat ako ng biglang may yumakap sa akin dahilan para sa kanya ako makakuha ng lakas para manatiling nakatayo.

Bakit nandito siya? 

"Eliza I'm here. I'll be here. I'll never leave you again."sabi niya. Iyak ako ng iyak habang nakasandal ako sa dibdib niya.

*MCB2* Chasing my Contract GirlfriendDonde viven las historias. Descúbrelo ahora