[18] The Talk.

139K 1.2K 223
                                    

Follow me on twitter @longlostwriter and join in the fb group if you're a fan of this story : longlostwriter's stories

Jan:

1 month na ang nakalilipas, hindi pa din bumabalik si Kiejan.

Saktong 4 days before christmas vacation siya nawala. Kaya 4 days lang ang absent niya. Hanggang ngayon na katatapos lang ng pasko. 26. Yung ibang mga bata natanggap na ang mga hiling nila. Ako kaya, kelan ko matatanggap ang wish ko?

Ako ba, anong ginawa ko?

Nagbabakasyon kami ng pamilya ko sa Baguio. Special ang pagcelebrate namin ng pasko dahil kompleto kami at madami. Kasama kasi naming nagbabakasyon sina Tita Gina. Kahit sina Van-Van.

Masaya din naman ang naging pasko ko. Kahit papaano natulungan ako nina Jin, Kuya Jop at lalo na si Van-Van na pansamantalang makalimutan muna ang problema. Kahit papaano, alam kong nakakangiti pa ako, kahit pilit.

Nagpaparamdam naman si Kiejan. Lagi siyang nagtetext sa akin ng Good morning, Ingat, or Iloveyou pero tuwing magrereply ako, wala akong natatanggap na reply ulit.

Nagdecember 1 nga pero hindi man lang kami nagdate. Binati lang niya ako sa text ng simpleng It's our monthsary, I love you. Hindi man lang Happy Monthsary. Sabagay hindi naman talaga Happy. And to make it worst, wala siya dito sa tabi ko for us to celebrate it.

Nagbirthday din siya pero what happen? Wala. Binati ko siya sa text. Sinubukan kong tawagan siya pero hindi niya sinasagot. May time naman na tinawagan ko siya at sinagot niya pero hindi siya nagsasalita. After kong sabihin na, 'KL, nasaan ka? Namimiss na kita."end call na. Nasaktan ko siya at hindi ko alam kung napatawad ba niya talaga ako.

"Jan-Jan, tulala ka na naman. Baka mapagkamalan kang baliw dito sa Baguio."ngumiti ako ng pilit kay Van. Nandito kaming dalawa sa isang tagong park na malapit lang sa hotel na tinutuluyan naming lahat.

Napagdesisyunan kasi naming dalawa na dito muna kaming dalawa. Lahat kasi sila nasa hotel at nag-aayos pa ng mga gamit. Uuwi na kasi kami mamaya.

"Jan-Jan 'wag ka ngang ngumiti, kinikilabutan ako."

"Manahimik ka nga Van-Van."sabi ko. Wala naman palang masasabing matino.

"Sungit. Yung ngiti mo naman kasi hindi ko alam kung ngiti ba 'yan ng namatayan ng aso o nakatapak ng tae at pilit ngumingiti. Sobrang pilit naman kasi."bumuntong hininga ako at pinagmasdan ang mga batang naglalaro sa harapan namin.

"Buti pa sila peaceful ang utak. Walang kumplikadong problema."

"Kasi iyan ang stage kung saan inihahanda palang tayo sa haharapin nating kumplikadong sitwasyon."tumingin ako sa kanya. Nakatingin din pala siya sa mga batang naglalaro. Napatingin siya sa akin at pinitik ang noo ko.

"Ang drama, bumalik na nga tayo sa hotel baka tayo na lang hinihintay."kahit talaga kelan panira 'to.Tuwing magseseryoso na kami, bigla siyang mag-iiba ng topic.

*MCB2* Chasing my Contract GirlfriendWhere stories live. Discover now