[22] Destiny Booth.

121K 996 115
                                    

Follow me on twitter @longlostwriter and join in the fb group if you're a fan of this story : longlostwriter's stories

 

Jan:

"Another couple arrested!"tinutulak ni Luke ang couple sa heart shape na upuan dito sa Destiny Booth.



Infairness, lahat ng couple na nakukuha nila, mga bagay. Magaling na match maker sina Ren at Luke.



Ako ang naka-assign sa live band at minsan sa mini resto.



Minsan kasi ako ang gustong pakantahin ng so called 'destiny couples'. Pero kapag hindi ako kumakanta, tiga-bake naman ako ng cake.



Sina Marco at Mich nga nahuli din eh. Pero magkaaway sila kaya umabot lang sila ng more or less 30 minutes. Napansin ko lang these past few days, sobrang mailap sila sa isa't isa. Magkasama sila but they're not as sweet as back then. They are a perfect example of so close yet so far.

Magkasama sila pero ramdam mong ang layo ng iniisip nilang dalawa.



Si Kuya Jop, tinext pa ko. Ipahuli daw silang dalawa ni Yhanna.

Nang mahuli naman sila akala mo napaka-inosenteng bata na hindi alam kung bakit hinuhuli siya. Kung makayakap pa kay Yhanna nun akala mo paghihiwalayin sila. Eh magdedate nga sila diba? Psssh. What would I expect? Knowing how childish he was sometimes.



"Jan! Kayo naman ni Nathan ang naka-assign to find couples!"sabi nung isa naming member.



Hinila ako ni Nathan mula sa pagkakaupo ko at hinila lang niya ako ng hinila.



Bwiset. Bigla-bigla na lang nanghihila. Sasama naman ako eh.



Naghanap kami ng pwedeng hulihin.

"Let's just choose anyone."Nathan said.

Ay, wala namang excitement doon.



"Nathan hindi dapat ganun. Cupids doesn't make that."umupo siya sa may bench sa tapat namin. Nagpamewang ako sa kinilos niya.



"But I'm too lazy to be a cupid."



"Lazy lazy. Psssh. Lazy mo mukha mo."sabi ko. Naghanap na lang ako ng pwedeng hulihin.



Sino naman dito? Dapat unique na couple ang kunin namin.



"Hey Eliza, come here."sabi ni Nathan. Nacurious naman ako kaya lumapit ako sa kanya. Pinapalit niya ako sa kanya, may ibubulong ata.

Nilapit ako sa kanya at nagulat ako sa binulong niya. Namula ata ako.



"Wifey I love you."



Ahhhhhh.

Ang awkward na. Panira talaga. Ang okay na ng atmosphere e.



"Wag ka ngang makulit!"



"Ikaw dyan ang makulit! bwiset tong lalaki na 'to!"nabaling ang atensyon ko sa isang babae at lalaki na nagsisigawan.



*MCB2* Chasing my Contract GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon