[8] Meeting and Planning.

160K 1.2K 191
                                    

[8] Meeting and Planning.

(WHO WANTS A DEDICATION? LONGEST COMMENT WINS!)

Zac:

"Saan ka ba talaga galing?"tanong agad ni Marco pagkatapos naming magbatian sa isa't isa.

"Japan."matipid na sagot ni Nate.

"Bakit hindi namin alam? At bakit doon ka pumunta?"tanong naman ni Ren.

"Just making myself busy. You know, we do have a branch there. I also thought of some things that I should fix after."sagot ni Nate. Kumuha ako ng maiinom sa ref at inabot sa kanila.

Binuksan ko yung sa akin at bago ako uminom ay napahinto ako at nakatingin lang kay Jin dahil sa tanong niya.

"With Ate Jan?"sabi ni Jin with a serious tone. This is not the usual Jin we all knew.

"Yeah. Jin are you still mad at me? D'you want to punch me again?"Nate asked. Tahimik lang kami at hinahayaan silang dalawa na mag-usap. This is a thing they need to fix first before anything else. Jin's not just anyone else. He's Jan's brother afterall.

"Hindi ako galit sa'yo, galit ako sa ginawa mo."kalmadong sabi ni Jin. Napabuntong-hininga si Nate at humarap ulit kay Jin.

"That's what I'm currently feeling."

 

"Mahal mo ba talaga si Ate?"tanong ulit ni Jin.

"Yes, and I need her again Jin but I can't have her if you're not helping me."agad na sagot ni Nate. Mahal na mahal na talaga niya si Jan. Grabe, sobra kung magmahal ang tropa namin. Hanep ang pag-ibig kung sinu-sino kinakapitan.

Matagal na katahimikan ang bumalot sa aming lahat bago sumagot si Jin.

 

"Honestly speaking, I don't want you anymore for my sister. Sinaktan mo siya. Ginamit mo siya at iniwan. Hindi ko nga alam kung bakit hinayaan ko pa ang kontrata eh. Siguro masyado akong nakuntento na may gusto ka na din kay Ate."napayuko si Nate at napasabunot sa ulo. "Pero Nate, kaibigan kita. Alam kong kung anong gusto mo, gagawin mo ang lahat makuha lang ito. Hindi ko hahadlangan ang kagustuhan mong makuha si Ate pero sana kapag nangyari 'yun, 'wag mo na sana siyang iwan pa."

Whew. Akala ko against na ang loko. Pa-suspense lang pala.

Napangiti si Nate sa sinabi ni Jin.

"Wait nga lang.. aminin niyo nga, nagsuntukan ba kayo dati?"tanong ni Marco.

"Oo nga. Bakit hindi ko alam 'yan? Leader ako dapat nandoon ako."sabi ko. Ang mga loko hindi man lang ako pinapanuod ng bakbakan.

"Eh biglaan lang 'yon!"sabi ni Jin.

*MCB2* Chasing my Contract GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon