[13] Rosales Family.

154K 1.2K 221
                                    

Follow me on twitter @longlostwriter

[13] Vancy Ron Rosales.

Jan:

"I missed you."

"I've also missed you really."


Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nasabi ko sa kanya 'yon. Two days na ang nakakalipas Jan! Move on! I miss you lang din naman ang sinabi mo! I miss you lang.

Tuesday na ngayon at ipapasa na ang project namin. Sa Friday pa naman ang deadline pero tinext kasi ako ni Nathan kanina nang paalis na ko sa apartment na natapos na daw niya yung written essay. At seriously, hindi ko alam kung sino ang nagbigay ng number ko sa kanya. Nagpalit na kasi ako ng number. Ang alam ko lang. IH7 ang may sala. Sila lang naman at sina Mich, Kiejan, Yhanna at family ko ang nakakaalam ng new number ko.

Pumasok na ko sa room. Wala pa si Kiejan. Napaaga din kasi ako ng pagpasok eh. Nilapag ko na yung bag ko at umupo sa usual seat ko.

"Jan, may papakilala kami sa'yo!"lumapit sa akin sina Ren at Luke kasama yung isa sa mga transferee. Si Vancy. Siya yung playboy look. Hindi ko na nakalimutan yung name niya dahil na rin simula nung lumipat siya, palagi na siyang pinagbubulungan ng mga kaklase namin. Ang gwapo daw kasi.

"Jan-Jan!"wow hanep close kami? Maka-Janjan! Ngumiti na lang ako. Ang awkward naman kausap ng lalaki na ito.

Maya-maya dumating din naman si Kiejan. Niyakap pa ko mula sa likod sabay sabing, "Namiss kita JL. Di kita natetext kasi naggawa din kami ni Ella ng project." Oo nga pala. Si Ella. Kababata pala siya nina Nathan at Kiejan. Medyo close nga sila ni Kiejan eh. Mabait din naman pala si Ella. Di ko nga lang talaga kasundo.

"Okay lang. Libre mo na lang ako mamayang uwian."pumayag siya. Date daw namin.

"Eliza, here's the written essay."nahinto kami sa pag-uusap ni Kiejan dahil kay Nathan. Inabot niya sa akin yung naka-folder. Bakit parang ang sabog niya ngayon? I mean, ang itim ng aura niya. Parang puyat.

Napuyat ba siya sa paggawa ng written essay?

"Ahhh. Sige ipasa na lang natin mamaya." tumango siya at pumunta na siya sa usual seat niya. Sa likod. Lumapit din si Ella sa amin nasa likod lang pala siya ni Nathan. Ibinigay na din niya yung isa pang folder kay Kiejan."Oh! It's so hard but I did best in it! Pssh."

"Yeah yeah. Ichecheck ko muna baka may errors!"pang-aasar ni Kiejan. Inirapan naman siya nito at umupo na sa tabi ni Nathan.

Nagulat ako dahil nasa harap ko na naman si Nathan. Nakakagulat naman 'tong isang ito. Bigla-biglang sumusulpot.

"Let's pass it right now?"sabi niya sa akin. Tumango na lang ako at sinabi kay Kiejan na ipapasa lang namin. Nagkatinginan muna sila bago siya tumango.

*MCB2* Chasing my Contract GirlfriendWhere stories live. Discover now