[5] It's not a secret anymore.

162K 1.3K 197
                                    

 Follow me in twitter and tweet me @longlostwriter

[5] It's not a secret anymore.

   Lumabas kami ni Kiejan at pumunta sa kotse niya. Hinihingal akong umupo sa likod ng kotse niya. Mabuti na lang talaga medyo tago ang pinagparadahan niya kaya wala masyadong dumadaan dito.

   Naramdaman ko ang kamay ni Kiejan na hinawakan ang kamay ko. Hinalikan niya ito. Napangiti ako sa simpleng galaw na ginawa niya. Kahit papaano ay alam kong nawala ang galit na nananalaytay ngayon sa isip niya. Alam ko na ang ginawa ko kanina ay tama. Dapat nga matagal ko ng sinabi sa kanila na may relasyon kami ni Kiejan. Dapat talaga hindi ko tinago.

   "Sobrang saya ko, JL. Hindi ko inaasahan na sasabihin  mo sa kanila."halata sa boses niya na hindi niya mapigilan ang sayang nararamdaman niya. Naramdaman ko na naman ang kakaibang sayang ibinibigay sa akin ni Kiejan.

   "Sorry na pinili ko pang itago ang tungkol sa atin kahit na wala naman dapat tayong ikatakot. Napa-lame lang na pinilit kitang itago natin ito dahil lang sa takot ko na baka hindi nila matanggap." Inakbayan ako ni Kiejan at pinagpahinga ang ulo ko sa balikat niya Hinawakan niya ang kamay ko gamit ang kamay niyang hindi nakaakbay sa akin.

   "Grabe, hindi ako makapaniwalang ginagawa natin ito ngayon."

   "Ang alin?"

   "Eto. Lahat 'to. Ang tagal kong pinangarap na hindi na natin itatago ito. Hirap na hirap akong pigilan ang nararamdaman ko sa'yo. Hindi ko maitago sa sarili ko na gusting-gusto kong ipagkalat na tayo na. Gustong-gusto kong malaman nila na binigyan mo na ko ng pag-asa na maipakita ko sa'yo na kaya kong pasayahin ka."pinisil ko ang kamay niya. Nagi-guilty ako sa paghihirap na ginawa ko kay sa kanya. Kahit na hirap na hirap si Kiejan na itago ang relasyon namin ay ginawa pa din niya dahil sinabi ko sa kanya.

   "Alam mo, kanina napag-isip isip ko na kahit naman tumutol sila sa ating dalawa, wala din naman silang mapapala dahil tayo din naman ang magdedesisyon para sa ating dalawa. Masyado lang akong natakot. Natakot sa mga iisipin ng iba na hindi ko naisip ang mararamdaman mo."hinalikan ako sa noo ni Kiejan at hindi na siya nagsalita. Ito ang pinakagusto ko sa aming dalawa ni Kiejan. Nagagawa niyang mag-provide ng nakaka-relax na katahimikan.

   Napatakip ako sa mukha ko nang may maisip ako.

   "Gosh, nakakahiya!" pagsigaw ko.

   "Ang alin?"

   "Grabe, ako ang nagsabi sa kanilang lahat! Sinigaw ko pa KL! Nakakahiya. Paano na lang tayo babalik doon?"pinagtawanan naman ako ni Kiejan. Ngayon ko lang naisip lahat ng mga pinaggagawa ko. IH7 nga pala ang kausap ko at nandoon din sila Yhanna at Mich at nandoon din ang kapatid ko. Ano na lang ang sasabihin nila sa akin.

   "Sige lang tawanan mo lang ako."lalo naman siyang tumawa na dahilan para lalo kong itago ang mukha ko sa mga palad ko.

   "Nakakatuwa ka kasi. Ang cute-cute mo kapag nahihiya ka." Inirapan ko siya na hindi ko alam kung napansin ba niya dahil nakatakip ang mukha ko.

   "Inaantok ako KL." mahinang saad ko.

   "Sleep my JL. Akong bahala sa'yo. Babantayan kita." and with that, nakatulog na ko.

  

   "JL, JL, gising na sleepy head."minulat ko na ang mga mata ko. Anong oras na? Bakit madilim na?

  

   "Grabe ka matulog! 7 pm na! Nilipat na nga kita dito sa loob ng sasakyan tapos ang himbing pa din ng tulog mo. Lumabas na ko ng sasakyan at ganoon din siya. Hinampas ko siya sa braso niya habang naglalakad kami pabalik sa bar. Napahinto kami sa may entrance ng bar. Bigla na lang niya kong niyakap. Ang PDA naman namin! Ano ba naman 'yan!

   "Love na love na talaga kita JL." yakap yakap niya pa rin ako. Ang daming nakatingin sa amin. Nasa harap kaya kami ng bar!

   "KL, nahihiya na ko. Bitaw na! Ang dami ng tao."mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Nag-eenjoy siya na nahihiya ako! Bwiset 'tong lalaking ito!

    "Inggit lang sila. Tagal kong hinintay mayakap ka in public kaya pagbigyan mo na ko!"napailing na lang ako. Bwiset, kinonsenya pa ko. Hinayaan ko na lang siyang yakapin niya ko. Tinago ko na lang ang mukha ko sa isang kamay ko sa tuwing may dumadaan. Naririnig ko naman ang mahihina niyang tawa. Natutuwa talaga siya sa nangyayari!

   "Tara punta na tayo sa loob. Masyado na tayong nagsosolo."hinawakan niya ang kamay ko at bumalik na kami sa loob.

   It feels good that we don't need to hide our relationship. Wala na kaming dapat pang itago. Hindi na kailangan pang maghirap ni Kiejan sa pagtatago.

   Pero mamaya nasa hot seat kaming dalawa dahil sa barkada. Paniguradong gigisain kaming dalawa sa mga tanong.

*MCB2* Chasing my Contract GirlfriendWhere stories live. Discover now