[17] Give each other Space.

142K 1.2K 431
                                    

Follow me on twitter @longlostwriter and join in the fb group if you're a fan of this story (click external link) ---> https://www.facebook.com/groups/195632193973859/

Ipost niyo naman yung masasabi niyo sa chapter na ito dyan sa group :) Hehe! :D

Kiejan:

"Thank you Dad! Nandito na ko sa bahay nina Jan... Bye." Salamat at mukhang nakahabol pa ako sa party na magaganap.

Alam kong magkakaparty. Nasabi na sa akin ni Kuya Jop ang tungkol rito. Hindi ko lang talaga nasabi kay Jan. Gusto ko kasing masuprise din siya. Buti na lang maagang natapos yung meeting kaya mukhang makakahabol pa ako sa party. Gusto pa naman akong makita ng mommy ni JL.

Pinapasok naman ako ng guard nila. Kilala na kaya ako dito. Ako pa. Pumunta ako sa garden at nakita sina Tita Ingrid. Nagmano ako at tinanong kung nasaan si Jan. Sinabi naman nilang hindi nila alam at itanong ko na lang daw sa mga kaibigan niya. Pinuntahan ko si Marco at Mich na umalis sa dance floor at umupo sa kanilang table.

"K-Kiejan n-nandito ka na pala."mukhang nagulat silang dalawa na makita ako. Bakit naman kaya?

"Buti nga nakahabol eh. Nasaan si Jan?"tanong ko.Ngiting-ngiti pa ako dahil isusuprise ko sana si JL. Magugulat 'yun na nandito ako.

"Sumasayaw sila pare."sabi ni Marco. Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Sumasayaw nino?

"Nino?"nagkatinginan silang dalawa na para bang nag-uusap ang mga mata nila kung sasabihin ba sa akin o hindi. Parang ang sama ng kutob ko. Hindi ko na hinintay pa ang sagot nila. Hindi naman siguro. Baka si Van-Van lang yung kasama niyang nagsasayaw. Tama si Van- pwe! Bakit ba ko nakiki-Van-Van? Tss.

Huminga ako ng malalim at ngumiti na lang. Laging sinasabi sa akin ni JL na ngumiti lang lagi tuwing may tao sa paligid, katulad na lang nang ginagawa niyang pagngiti.

Pero hindi ko inakalang mawawala din pala agad ang ngiti na ito.

Naglahong tuluyan ang ngiti ko at pumalit ang luha.

"Mahal mo ba siya Eliza?" sabi nito.

"JL.."nawala ang atensyon niya kay Nate at gulat na gulat na napaharap sa akin.

Para palang sinasaksak ng paulit-ulit ang sira mo nang puso kapag nakita mo ang babae mong minamahal na may ibang taong mahal.

"Kiejan a-ano.."umiling ako at tumalikod sa kanila at tumakbo. "Kiejan w-wait!"

Ang sakit sakit pala sa puso.

Ganito din ba ang naramdaman ni mama nung mga panahong iniwan din siya ng totoo kong tatay? Tumakbo ako. Lumayo ako sa kanila.

*MCB2* Chasing my Contract GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon