[15] What he thinks.

152K 1.2K 300
                                    

Follow me on twitter @longlostwriter and please Read 'Mysterious Roses'

Jan:

Papasok na naman. Parang ayoko na ata. Tuwing pumapasok ako sa MC, ang gulo. Ang gulo-gulo ng buhay ko. 1 week ng magulo.

Si Kiejan na tinatamaan ng selos sa dalawang lalaki. Si Nathan na isa sa mga dahilan ng matinding pagseselos ni Kiejan. Magkapatid nga sila parehong sakit sa ulo. Wala ng ginawa kundi magbangayan sa harap ko. May isa lang silang pinagkapareho.

Pareho silang nagseselos kay Van-Van. Katulad ngayon, magkausap kami ni Van-Van.

Hindi ko kasi makausap ng maayos sina Kiejan, tuwing kakausapin ko kasi ang isa sa kanila, sasabat yung isa kaya mas mabuti nang si Van na lang ang kausapin ko. Magselos man, hindi naman nila maaway si Van, mahiya naman diba?

"Jan-Jan baka magalit na naman itong mga lovers mo."sabi ni Van-Van habang minamasahe niya ko sa likod. Bale yung upuan tinalikod ko para yung likod ko nakaharap sa kanya. 

"Nako bayaan mo sila, wala ng ginawa kundi mag-away."sabi ko sa kanya. "Hindi ka naman nila pinapatulan eh. Nahihiya ata.

"Natakot sa kapogian ko. Hahaha!"ohmy. Ang kapal. Nagfake laugh ako. Loko-loko talaga.

Nagkwentuhan lang kami dun. Naikwento ko din sakanya yung nangyari sa recent monthsary namin ni Kiejan. Guess what? Naudlot na naman ang date namin. After kasi naming magdinner, tumawag na yung daddy niya. Kailangan daw siya sa company nila. Nung una ayaw niyang umalis pero sabi ko sa kanya, pumunta na siya. Baka emergency eh. Siya lang kasi ang aasahan ng StepDad niya. Siya lang kasi ang nag-iisang anak ng totoong mommy niya at walang naging anak ang StepDad niya at ang Mommy niya. Si Nathan at Kiejan kasi based from what Kiejan said, sa daddy nila sila related. 

"Kamalas-malas niyo naman."sabi nito. Tumango na lang ako. Totoo naman eh. Everytime na magmamonthsary na lang kami, ganun ang kalalabasan. Palaging palpak. Tinanong ko siya kung nagkagirlfriend na ba siya. Never ko pa kasi siyang natatanong tungkol sa lovelife niya eh.

"Ah girlfriend? I can't say if they can be called 'girlfriends'."napatingin ako sa kanya. Inaayos ko na din ang upuan ko. Hindi ko maintindihan yung sinasabi niya."Paki-explain ng mabuti."Nagsmirk siya at pinisil ang ilong ko.

"Ganito kasi 'yan. Never pa kong nanligaw ng babae-"

 

"What? Are you gay?"binatukan niya ako kaya napa-aray tuloy ako. "Are you kidding me? Ako bakla? Hindi ko sasayangin ang kagwapuhan ko!"

"Patapusin mo muna kasi akong magsalita."tumango na lang ako."Never pa kong nanligaw dahil sila ang nag-aapproach sa akin. Pumapayag ako kapag sinabi nila na gusto nila akong maging boyfriend. Pero ang pinakamatagal na relationship ko ay 1 week pa lang. Kaso kaya lang naman kami umabot ng week dahil 3 days ata nawalan ng pasok nun."

 Tumango na lang ako. Wow. Napaka-desperada naman ng mga babae na iyon. Sila pa talaga ang nag-aaya kay Van-Van? Mabatukan nga itong lalaki na 'to. "Hey, para saan 'yun?"nagulat siya sa biglaan kong pagbatok sa kanya. Napahawak pa siya sa ulo niya. Napalakas ata.

*MCB2* Chasing my Contract GirlfriendDonde viven las historias. Descúbrelo ahora