[46] Twisted Feelings.

30.3K 849 221
                                    

AN:

Sorry for the long wait! #LLWCMCG

Tweet me @longlostwriter

-------------

Jan:

Itinulak niya ako papalayo sa kanya.

Ang kaninang mga matang naghahangad ay napalitan ng mga matang puno ng galit at pagdaramdam.

"Damn, this is wrong!"nakatingin lang siya sa akin nang marahan. "Masasaktan sila!"

"Masasaktan din tayo. Nathan, please tama na. Alam mong ikaw ang mahal ko."

"Oo dati alam ko pero ngayon? I don't know anymore. I don't get you." tumalikod na siya sa akin. "One day you're leaving me then what now? You are here messing with me like it is very easy to forget what you did."

Nagpatuloy na siya sa paglakad. Susundan ko ba siya?

Oo. Nandito na ko. Hindi na ko dapat pang matakot. I need to do this.

Kapag bumalik na kami sa realidad, hinding-hindi na siya magiging akin.

Niyakap ko ang aking sarili at ramdam ko ang hampas ng hangin sa balat ko na medyo nanunuyo na mula sa tubig ulan. Hinigpitan ko pa lalo ang pagkayakap ko sa katawan ko habang nakatingin lang sa mga paa kong sumusunod lang sa kung saan siya pupunta.

Ikinagulat ko nang pagtingala ko, may mga matang nagmamasid sa akin. Hindi ko man lang napansin na hindi na pala siya naglalakad at nakaharap na siya sa akin.

"I hate the fact that I can't even resist you."

"N-Nathan."

Naramdaman ko ang mga bisig niya na nakapalupot sa akin at ang mga mata niyang nakabantay lang sakin.

--------------

Nagmulat ako ng mata. Naramdaman ko agad ang tuwalya na nasa noo ko pero mas nakatuon ang atensyon ko sa lalaking nakaupo sa tabi ko na gulat na nakatingin sa akin.

"Thank God you are already awake."nginitian niya ako. "Are you hungry?"

Tumango ako.

Tumayo siya at lumabas ng kwarto. Mula sa umalis siya hindi na naalis ang tingin ko sa pintuan hanggang sa makabalik na siya dala ang tray.

Umupo siya sa gilid ng kama na hinihigaan ko. Hinila niya yung mini table at inilapit sa pwesto niya at duon inilapag ang tray na may laman palang isang mangkok at baso ng tubig.

"Subuan na kita?"hindi na niya ako hinintay pang magsalita, inalalayan niya akong sumandal at pinakain. Habang sinusubuan niya ako, hindi ko maiwasan na magmasid sa kumportableng tinutuluyan namin. Paano kami napunta dito?

"Nung mawalan ka ng malay, saktong may isang sasakyan ang napadaan sa atin. Tinulungan tayo ng isang pamilya na makahanap ng hotel na matutuluyan natin for the mean time."tumango na lang ako.

Nagtataka man ako sa ikinikilos niya, hinayaan ko na lang. Gusto ko nito. Na-miss ko. Na-miss ko ang pag-aalaga niya sakin, paglalambing at higit sa lahat, yung pagmamahal niya.

He's smiling. He's happy and I can see it in his eyes. Fake lang ba? Nagpapanggap lang ba siya ngayon? I don't care anymore. Siguro nga sa isip niya pagpapanggap lang ito pero iba ang nakikita at nararamdaman ko. Alam kong gusto niya rin ito.

"Hindi ka pa ba natutulog?"napansin ko kasi sa bintana na medyo lumilitaw na ang araw. Halatang madaling araw na at ang mga mata naman niya ay napapahiwatig na wala pa siyang tulog.

"I'm okay. I'll stay here beside you and look after you."pagkatapos niyang ayusin ang kumot ko at alisin ang mga pinagkainan, umupo muli siya sa gilid ko.

*MCB2* Chasing my Contract GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon