[28] Goodbyes with a little Hello.

95.9K 836 102
                                    

Follow me on twitter @longlostwriter and join in the fb group if you're a fan of this story : longlostwriter's stories

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

Jan:

'Mga kampon ng kuya kong may lahing unggoy, sa bar ni Jin. 6pm. VIP 4. Despedida ko.'


Text na natanggap ko pagkagising ko.

Tinuloy pala talaga ni Kiejan ang balak niyang pagpunta sa ibang bansa. Makakabuti daw iyon para maayos niya ang sarili niya at makapagmove on.


It's almost 3 months after nilang magkabati ng Kuya niya. Nagkabati nga ba? Eh halos tuwing nagkikita sila palaging nagpipikunan.


Siguro iyon ang naging way nila para hindi na sila maging awkward sa isa't isa.


Lumabas na ako ng kwarto ko pagkatapos kong mag-ayos ng sarili. Nadatnan kong kumakain sina Yhanna at Mich pati sina Kuya at si Jin nandito din. 

Knowing Kuya, sigurado hindi nagluto ito para dito kumain kasama ni Yhanna.


Wala si Manang. Siguro nililinis niya yung apartment nina Kuya. Boys are boys. At napakalat nila. Pssh. 



"Jan tara dito. Kain na."lumapit ako sa kanila at kumuha ng makakain ko.


"Ate Jan natanggap mo text ni Kiejan?"tanong ni Jin nang umupo ako sa tabi niya. Tumango ako.



"Bakit kasi aalis pa siya? Magkasundo na rin naman sila ni Nate at nagkaayos na din sila ng Papa niya."


Oo nagkaayos na nga sila ng Papa niya. Nagkausap silang tatlo. Nung una, hindi talaga sila nagkakaintindihan pero mga ilang araw lang, nag-uusap na sila ng mahinahon. Kahit si Tita Karmina(mommy ni Kiejan) at Tito Norman nakapag-usap na at nagkaroon na ng closure.



"Kung iyon ang paraan para makapagmove on siya, hayaan na natin."sabi ko habang kumakain.


"Kasi bakit pa siya nainlove sayo Baby? Hahaha! Maiinlove na lang siya sayo pa-Aray!"hinimas-himas ni Kuya ang ulo niyang natamaan ko ng tsinelas ko.


"Sissy!"nginitian ko lang si Yhanna at kumain ulit.


"Tara pasok ka hijo."Nandito na pala si Manang. Sino kayang kausap niya? Boses lang kasi ang narinig ko.


"Oh Kiejan! Mamaya pa naman diba? Bakit nandito ka?"napatingin ako sa pintuan at nakita ko nga doon si Kiejan.


"Hindi pa ko umaalis, ayaw niyo na kong makita?"sabi ni Kiejan at umupo sa sofa.


"Hanep ang drama mo. Bakit ka nga ba talaga nandito? Hinahanap mo ba si Kuya mo? Namiss mo agad?"sabi ni Jin. Nang-asar pa ang isang 'to.

*MCB2* Chasing my Contract GirlfriendWhere stories live. Discover now