[43] Unlove You.

54.9K 1.1K 491
                                    

@longlostwriter

#LLWCMCG

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

 

[43]

Jan:

Humiga ako sa kama ko at nakatunganga lang sa kisame. Ako lang mag-isa ang matutulog ngayon dito sa kwarto. Magbabonding muna sa kabilang kwarto si Van at Than.

For sure, pakana na naman ito ni Van. Bigyan ko muna daw ng rest ang utak ko for this night.

Siguro nga kailangan ko nito. Masyadong maraming nangyari sa araw na ito at all I can say is that every now and then, siya pa din talaga. Siya pa din walang iba.

Flashback:

"Hi Mrs. Santos, I will pick up my son Nathaniel. Where is he?"ngumiti sa akin ang teacher ng anak ko.

"Good afternoon po Mrs. Rosales. Nasa playground po siya kasama nung new friend niya."nagpasalamat ako at pumunta na sa playground.

Mabuti naman at mayroon ng mga kaibigan ang anak ko. Akala ko mahihirapan mag-adjust ito dito sa Pilipinas pero mukhang at home na at home siya dito.

Napahinto ako sa paglalakad nang marating ko ang playground.

Sana pala ako na lang ang naiwan sa kotse at si Van na lang ang sumundo kay Than.

Nasa swing si Than at masayang-masaya siya habang nakikipaglaro sa lalaking naghahatak ng swing niya.

Kung kami pa five years ago, siguro ang saya-saya ko ngayon habang nakikita silang magkasama sa playground.

Pero bakit ang kasiyahan sa mga labi niya ang mismong nagbibigay ng sakit sa puso ko?

Eto ba ang parusa para sa akin?

Ang makita siyang masaya at ang dahilan ay hindi ako?

"Mommy!"umayos ako ng tayo at pilit na ngumiti sa anak ko.

Bumaba siya ng swing at tumakbo papunta sa akin.

"How are you Baby? How's your first day?"nakangiti pa din ako habang kausap ang anak ko.

"I'm very much okay Mommy. I have a lot of friends! And Mom come here po!"hinila ako ng anak ko at nakita ko na lang ang sarili kong katapat ko na ang lalaking minahal ko at minamahal pa rin hanggang ngayon.

"Mommy do you remember him? He's from your Alumni Party. The singer."nakatingin lang ako sa kanya. Ganoon din siya. Nakatingin lang sa mga mata ko at unti-unting dinudurog ang puso ko.

"Hi, Eliza. How are you? It's been a long time."gusto kong maiyak sa nangyayaring ito. Hindi ito ang inaasahan kong pagtatagpo namin. Parang mas okay pa ang makita siyang galit na galit sa akin na sinisigawan niya ako kapag nakikita niya ako kaysa sa kinakausap niya ako na para bang walang nangyari.

"Do you know my Mommy?"

"Yes, she's my friend."

A friend. He introduced me as his friend. It hurts, big time.

"You and my mommy are friends?"tumingin na lang ako sa gilid ko para piliting mailipat sa ibang bagay ang atensyon ko pero nabigo ako, kahit mawala ang tingin ko sa kanila, hindi ko naman magawang alisin ang pandinig ko sa pinag-uusapan nila.

*MCB2* Chasing my Contract GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon