[20] Real Story.

127K 952 149
                                    

Follow me on twitter @longlostwriter and join in the fb group if you're a fan of this story : longlostwriter's stories

Kiejan:

"We need to talk..... Kuya."

Matagal kaming nagtinginan.

Siguro nagulat siya dahil nandito ako gustong makipag-usap sa kanya.

Kahit naman ako, gulat na gulat sa ginagawa ko. Kahit kelan hindi ko inakalang gagawin ko 'to.

Hindi ko inakalang kakausapin ko ang lalaking mahal ng mahal ko at ang lalaking malaki ang parte sa buhay ko.

Makakausap ko ang Kuya ko.

Imbes na sa condo niya kami mag-usap, sa rooftop siya nag-aya.

Tahimik lang, walang nagsasalita. Nagpapakiramdaman lang kami.

Siguro inaalala ang nakaraan. Yung mga panahong mga bata palang kami at wala pang problema.

Mga panahong hindi pa namin alam ang katotohanan. Wala pang nakakaalam ng katotohanan sa aming dalawa. 

Nagulat ako ng bigla niyang inabot sa akin ang isang beer.

Binuksan niya yung sa kanya at unang uminom.

"It's been so many years after we talked privately."sabi niya. Hindi siya nakatingin sa akin. Nakatingin lang siyang diretso habang umiinom ng beer niya.

Tama, it's been 7? 8 years? Napakatagal na din pala.

Napakatagal na din nang maramdaman kong may kapatid ako.

"Siguro hindi talaga nating mahahayaang ibaon sa limot ang mga bagay na hindi natin nagawang pag-usapan."sabi ko sabay inom ng alak ko.

Flashback:

7 years agooo...

 

"Kuya Nate, buti na lang talaga hindi tayo natalo no? Hahaha!"sabi ko kay Kuya pagkauwi namin sa bahay.

 

 

Nakipagpustahan kasi kami ng basketball sa dalawang magkaibigan na bagong lipat dito sa subdivision namin.

*MCB2* Chasing my Contract GirlfriendWhere stories live. Discover now