[36] He's Chasing Her Again.

64.5K 842 135
                                    

AN:

New cover for CMCG! Thank you @ayseyya for this awesome cover! Tatlo ginawa niya at seriously ang hirap-hirap mamili sa tatlong cover na iyon. HAHAHAHAHA! 

Ask me anything: ask.fm/MskimWP

Twitter- @longlostwriter

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

 

Ren:

Ayun, nagPOV din ako. Sayang kagwapuhan ko kung hindi ko naman magagawang makapagpoint of view!


Oo, gwapo ako, aangal ka pa ba? Hahaha.


Nandito ako ngayon sa office. Hanep wala na kong magawa. Nakakabored na dito. Kung kelan nagkaroon ako ng chance na makapagPOV doon naman ako walang magawa. Lugi mga brad.


Pupuntahan ko sana si Luke sa office niya na katabi lang naman ng office ko kaso delikado, baka mahagisan na naman ako ng sapatos niya dahil tuwing pumapasok ako sa office niya, laging wrong timing. Nasasaktuhan kong may kausap siyang Eva.-magagandang dalaga.


Aba malay ko ba. Baka kaya nagkakataon dahil sa akin talaga naka-tadhana na mapunta ang mga girls na iyon. Ay sh-t ako nga pala ay good boy.


Okay, minsan playboy. Pero madalas matakaw. Hahaha.

Sino ba naman ang makakatiis sa mga babaeng nasa mga harapan mo na diba? Pero mas hindi ko matitiis kung wala akong gagawin sa pagkain na nasa harapan ko na.

Pero iba pa din talaga ang karisma ng mga babae.

Tsk, nagmumukha akong si Luke sa mga pinagsasabi ko. Hayahay ang buhay! Haha.


Speaking of buhay, ano na kayang nangyari sa buhay ni Nate?

Dalawang linggo na din ang nakalipas simula nang malaman niyang umalis si Jan. At dalawang linggo na din kaming naghahanap kay Jan.


Sa dalawang linggo ding iyon madami ng nagbago kay Nate. Mailap na siya sa aming lahat. Pumapasok daw sa opisina nila pero tahimik lang at palaging mainit ang ulo kaya nga yung secretary niya na dati ay napakasaya sa posisyon niya dahil isang gwapo daw at hindi masyadong strict ay nagbago na.


Palaging office-bar-condo ang routine ng buhay niya. Sa dalawang linggo diyan umikot ang buhay niya. Ni hindi na rin namin siya nakakausap ng matino. Kapag kinakausap namin, akala mo nagmomonologue ka lang. Tahimik lang siya at parang walang pakielam sa mundo.


Nagvibrate ang phone ko. Pagtingin ko sa phone ko, pangalan ni Zac Tanda ang nandoon.


"Tanda!"

[Gago]


*MCB2* Chasing my Contract GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon