[10] What's going on?

158K 1.1K 133
                                    

[10] What's going on?

 

Jan:

After that scene, nagpaalam ako na pupunta sa cr. Buti na lang ay cr din dito. Buti na lang may extrang room sina Mich na napagawa dito kaya nagkatambayan kami.

Kainis! Bakit ba ganoon siya? Kung anu-ano lumalabas sa bibig niya!

Can't he just moved on? And... Paano niya nasasabi na hindi ko mahal si Kiejan? Wala siyang alam ok? Wala! Nawala siya for a year tapos ngayon papakielaman niya ko?

Argh! Hindi naman siya palasalita dati ah? Lagi lang siyang poker face at laging silent treatment natatanggap ko.

Humarap ako sa salamin at pilit pinapakalma ang sarili.

"Jan, 'wag mong intindihin ang sinasabi ni Nathan. Trip ka lang talaga ni Kupido."mahinang sabi ko sa sarili ko. Kupido bakit ka ganyan? Nagtatampo na ko sa'yo!

Lumabas na ko ng cr at bumalik sa may teacher's table. Nakita ko siya na nakaupo ulit sa ilalim ng teacher's table at naka-ub-ob ang ulo sa kanyang tuhod.

Nakatayo lang ako dun at parang timang na pinaglalaruan ang daliri ko. Ang dilim-dilim na sa labas. Wala man lang ba makakakita sa amin dito?

Sumilip ako sa bintana at tinignan ko kung may tao ba. Gusto ko na talagang umuwi.

"Hey.."

 

"Ah!"napahawak ako sa noo ko. Ang sakit! Para akong mababaliw sa sakit.

"Are you okay?! God, I'm sorry!"hinawakan niya yung noo ko pero napaaray ako dahil masakit. Halata sa mukha ni Nathan na hindi siya mapakali. Gusto ko sanang tumawa pero hindi ko magawa dahil ang sakit talaga. 

Inalalayan niya akong umupo.

"Ah, w-what do you need? W-what? Do you want to drink? What?!"napapakali na si Nathan. In-eexamine niyang mabuti ang ulo ko. Tatayo siya tapos uupo tapos titignan yung noo ko tapos magbebreakdown na naman siya.

"Nathan noo ko yung nauntog tsaka ano ka ba hindi naman masyadong malakas yung pagkakatama ko sa bakal ng bintana. Kuha mo na lang ako ng yelo na ilalagay ko sa noo ko."agad naman siyang pumunta sa Fridge at kumuha ng yelo. Kinuha niya yung scarf niya sa bulsa at binalot ang yelo doon. Bumalik siya sa lugar ko ng nagmamadali. Para naman akong mamamatay nito. Nauntog lang po ako. Pero ang totoo talaga napakasakit pero hindi ko na sinabi sa kanya dahil baka lalo siyang maghysterical.

"Here you go."aabutin ko na sana pero inilayo niya.

"Wait! I'll do it for you."inilagay niya sa parte ng noo ko na nauntog. Nung una masakit at sobrang lamig pero dahil alalay lang naman siya, okay na.

"Masakit pa ba?"umiling ako."Sorry, it's my fault. I should've not surprised you."

*MCB2* Chasing my Contract GirlfriendWhere stories live. Discover now