Chapter 5

874K 21.9K 3.3K
                                    

~*~

Rien's Pov

"Grabe ka talaga girl, ibang iba ka! Wala pang isang linggo sikat na sikat ka na!" sabi ni Jade habang nakahiga sa kama niya.

Ako namam ay nakasandal lang sa headboard ko habang nagbabasa ng libro. This day was frustrating. Nakasuntok nga lang ako

 "Wow, saya mo naman. Ginawa pa akong entertainment." sabi ko

"I know, but prepare for tomorrow girl! Siguradong ikaw ang pag-uusapan ng lahat. Malamng, pinatumba mo si The Amethyst. Except for the fact na nasampal ka niya, okay lang iyon! Ikaw pa rin ang wagi dahil sa hugot lines mo." sabi ni Jade.

Napatigil naman ako sa pagbabasa ng libro at napatingin kay Jade.

"Anong sabi mo? The Amethyst?"

"Yes, siya yung babaeng naitulak ka dahil magkadikit kayo ni Tyler. Ex niya yung babaeng yun. Ang bait nun pero pagdating kay Tyler ay parang sasabog na ang mundo dahil sa sobra niyang war freak. Siya din ang tinaguriang pinakamaganda sa Montereal High. Hahaha. Pero ngayon, ayun pinahiya mo! So proud of you!" masayang sabi ni Jade at pumalakpak pa.

"Eh bakit parang natutuwa ka na napahiya ko siya?!"

"Eh kasi ang plastik ng babaeng yun. Maarte, bitch, spoiled brat. Siya yan! Pero nagbubulag bulagan lang ang iba at hindi nakikita yun. Tsk." sabi niya.

"Ahhh. Oh eh bakit parang galit na galit ka sa kanya? Bitter?" sabi ko

"Well, inagaw niya sa akin si Tyler."

"Inagaw? Third Party?

 This is interesting! Of course hindi iyon magiging impossible sa manwhore na katulad ni Tyler. Sad to say at nabiktima rin pala si Jade.

Tumawa naman si Jade at bumangon sa kama at sumandal na rin sa headboard niya.

"Well, ikukwento ko sayo ang love story gone wrong ko." sabi ni Jade at ngumiti ng mapait.

---

Jade's Pov

"Well, ikukwento ko sayo ang lovestory gone wrong ko." sabi ko at napangiti ng mapait.

Hindi ko naman mahal si Tyler hanggang ngayon. For me, matagal na yun. Pero kapag naalala ko lahat ng nasayang na pagmamahalan namin dalawa nung mga oras na iyon ay nasasaktan pa rin ako.

***Flashback***

Papunta na ako ng rooftop dahil sabi ni Tyler may surpresa daw siya para sa akin. Alam kong magiging masaya ako ngayong araw. Anniversary kasi namin dalawa ni Tyler ngayon. Buti at nakatagal kami ng isang taon kahit ngayon ay sophomores pa lamang kami.

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon