Epilogue

628K 13.7K 2.1K
  • Dedicated kay To all my forever supporting readers!!
                                    

Nakakaiyak naman to. Huhu Maraming salamat sa lahat ng sumuporta! Love you all! Grabe kakaiyak talaga.

 

 September 24,2014 || Complete

~*~

1 month later...

“Seriously, Adrienne? I just need a good luck kiss.” Ani ni Tyler sa akin at ngumuso.

Inirapan ko lang siya at sinamaan ng tingin. Kiss-kissin niya mukha niya! Gwapo ka ngang ngumuso pero hindi mo pa rin ako mapapayag!

“Good luck kiss mo mukha mo! Let me just remind you that we’re in public, Tyler. Wag kang PDA dyan.” Sabi ko at tumalikod na.

“I can’t win this without your kiss.” Sabi niya.

Nilingon ko siya pabalik at sarcastic na tumawa.

“Win? You’re Tyler Lawrence Montereal and besides it’s just a basketball game. No big deal.” Sabi ko.

“Rien, big deal to ano! Kalaban nila ang St. Xavier High, isa sa mga matinding kalaban ng Montereal Academy pagdating sa larong basketball. Kaya kapag tayo nanalo dito siguradong matatakot na ang ibang paaralan sa atin. We can be the stongest of all. Magiging memorable history ito ng Intrams.” Singit ni Jade.

Umiling lang ako. Tss, this school is really all about power. Lahat gustong maging superior kaya nga ang raming gangsters dito. Pero who cares, kahit gangsters sila may mga puso rin silang handang prumotekta sa mga importante sa kanila.

“Still a no.” sabi ko at mabilis na tumakbo papuntang bleachers.

Ayaw kong halikan si Tyler sa mataong lugar especially dito sa covered court. Bago lang nalaman ng buong academy ang namamagitan sa amin ni Tyler at yung iba ay hindi masaya tungkol dito. Sino ba ang sasaya eh taken na ang pinakagwapong lalake sa academy? Not to mention he’s the leader of the gang group, Black Horizon. Pero syempre may hope pa rin naman sila dahil may Nathan Saunders pang natitira.

Sinilip ko si Tyler na ngayon ay matamlay na nakaupo sa bench kasama ang ibang players ng Blazing Arions, ang basketball varsity ng Montereal. He badly wants my kiss huh?

“Pagbiyan mo na kasi.” Sabi ni Charlotte habang sinisiko ako.

Mabilis akong umiling at ngumiti ng pilit.

“I know he can win this game. I believe in him.” Sabi ko.

“Sus, pustahan tayo girl hindi yan makakashoot kahit dalawang puntos lamang.” Sabi ni Jade at humalakhak.

Binalewala ko na lang ito at tinuon na ang pansin sa laro. First five, sina Tyler, Pierce, Nathan, Jecko at Dylan. Agad naman akong nabingi sa hiyawan ng mga tao sa gym. Ang lalakas ng mga tili ng mga babae na parang nakakita lang sila ng isang sikat na artista.

“GO SEXY HANDSOME TYLER!” cheer ng iba.

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon