#42: Coming Soon

506K 12.3K 715
                                    

Maraming salamat po sa previews feedbacks niyo! Yiheee. Ramdam na ramdam ko ang suporta niyo guys. I so love you to the bottom of the ocean deep! Charot. haha. Update! Update! Update! Sana ma-enjoy niyo kahit medyo waley ito. Li-low muna tayo sa tensyon? Joke. 

~*~ 

“Tyrence...*sniff* Tyrence *sniff* ang unfair mo...” sabi ko habang nakaupo pa rin sa harap ng function room.

Hindi pa nagsilabasan ang mga estudyante dahil may after party pa sa loob. Kalahating oras na akong nakaupo, umiiyak at tinatawag ang pangalang Tyrence. Hindi ako makapaniwalang ang bilis lang nagparamdam si Tyrence. Hindi naman siya imagination dahil nakita mismo ni Jade na may kasayaw ako.

“Rien?”

Bigla naman akong napatayo at napalingon sa tumawag sa akin.

“Tyrence?” mabilis kong sabi.

Napawi naman ang excitement ko nang si Dylan lang pala yun.

“Tyrence? Bakit nakita mo na ba siya?” Naguguluhang tanong ni Dylan at nilapitan ako.

Dahan dahan naman akon tumango, “Tyrence is here earlier Dylan. He’s here...” sabi ko.

Nakita ko naman ang pagbago ng ekspresyon ni Dylan at parang agad hinanap si Tyrence sa paligid. Bumaling naman siya sa akin at parang nagtataka.

“But he left me. He’s gone at hindi ko alam kung saan ko siya mahahanap.” Sabi ko.

“Sigurado ka bang si Tyrence yun, Rien?”

Nanliit naman ang mata ko sa sinabi niya. Is he thinking that I’m going crazy? Hindi ba siya naniniwala sa akin na andito si Tyrence kanina at hinarap niya ako?

“Hindi ka ba naniniwala sa akin Dylan?” galit kong tanong.

“No is just that---“

“No! You think I’m crazy? Na hallucination lang lahat ng nakita ko kanina? Damn it Dylan! Everything was clear and true to me! Ni si Jade nga nakita na may kasayaw ako. I saw the damn necklace Dylan, hindi ako baliw.” Pagtama ko sa kanya.

Huminga ng malalim si Dylan habang tumitingin sa akin na parang naaawa. Umiling ako habang tumitingin kay Dylan. Ayaw kong maawa siya sa akin dahil sa pangungulila ko ulit kay Tyrence.

“I will find him again Dylan, I will.” Sabi ko habang tumatango.

Tumango naman siya at pilit na ngumiti para pagaanin ang loob ko. Niyakap niya naman ako at hinmas ang aking likod. Niyakap ko siya pabalik at palihim na umiiyak.

“I’ll help you, Rien. Andito pa rin ako para sa iyo. Ikaw pa rin yung makulit kong kaibgan.” Sabi niya.

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon