#15 : Selosan

711K 15.6K 2.8K
                                    

~*~

"So ano nga ba talaga ang gagawin natin?" tanong ko sa kanya.

Andito kami ngayon sa coffee shop. Walang tao dito kung hindi kami lang plus yung barista sa shop.

"Nothing, alam ko naman na ayaw mo sa mga ganun eh. I was trying to save you." sabi niya at ngumiti.

Bigla naman akong kinilabutan sa ngiti niya. I find this chinito hottie so handsome and mysterious. Kaya medyo nakakatakot ang aura niya dahil hindi mo din mabasa kung ano ang gumugulo sa utak niya ngayon.

"You're creepy, atyaka paano mo ba nalaman?" tanong ko.

"Nararamdaman ko. Want coffee?" sabi niya.

Umiling naman ako.

"No thanks, hot choco na lang." sabi ko.

Umorder naman siya sa counter at ako naman ay nakaupo lang habang tumitingin sa labas ng shop. Katabi ko kasi ay glass wall. Senti ko talaga.

Bigla naman akong may nakitang dalawang tao na parang naghahalikan. Silhouette lang ang nakikita ko sa kanila kaya medyo zinoom in ko ang mata ko (ano raw?). Sumali ba sila sa Kissig booth contest? Sigurado akong panalo sila.

Pero bago pa man ako makatawa sa joke ko ay bigla naman ako napanganga sa nakita ko.

Tyler is kissing a bitchy girl, again.

Hindi ko kilala ang babae at wala akong pake. Ang hindi ko lang maintindihan ay parang biglang uminit at parang nainis ako sa nakita ko? Ewan nairita ako eh. Sana hindi nalang ako naging ganun kacurious para hindi ko nalaman kug sino yun. Nabwisit ako. Bad mood.

"Are you okay?"

Napatingin naman ako kay Nathan na bagong upo lang sa harap ko dala dala ang hot choco naming dalawa. Binigay niya naman ang isang tasa sa akin at tinignan ako ng seryoso.

"Is there something wrong Xyra?" tanong niya.

Umiling naman ako at ngumiti. Wala naman talagang mali ah? As far as I can remember Tyler is not my business at pake ko ba if he's making out with others? Ugh.

"Yes Nathan, I'm okay." sabi ko.

"So palagi tayong nagkikita sa school pero hindi pa rin tayo naguusap ng matino." sabi niya.

Ngumiti naman ako. He's right, nagbabatian nga kami kaso never pa kami nagkaroon ng long conversation dati.

"Oo nga noh. Sige, kamusta ka naman Nathan?" tanong ko.

Ngumiti naman siya at kinuha ang hot choco niya at uminom bago ako sinagot.

"I'm happy." sabi niya

"Bakit naman?" I said and took a sip on my hot choco.

"Kasi kasama kita." sabi niya.

Muntik ko ng maibuga sa harap niya ang hot choco na nasa bibig ko. Buti na na lang at napigilan ko pa.

WHAT IS HE SAYING?! He's happy cause he's with me? I mean are we dating right now para maging masaya siya?

What's happening here? Akala ko ba gangster ang isang to? Pero hindi naman kasi klaro sa mga ginagawa niya. Parang kabilang siya sa nice guys na kakilala ko.

Ang totoong ganster lang ata na nakilala ko sa tanang buhay ko ay si Tyler...

Sh*t . Naisip ko nanaman ang lalakeng yun. He doesn't deserve it! Argh. Bakit ba kailangan pa sumagi sa isip ko pangalan niya at mukha niya.

"Yo Xyra, you're idling again! Hahaha." sabi niya

I was back to reality and glared at Nathan. Tss, asarin ba naman ako? Kasalanan to lahat ni Tyler.

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon