#16 : The Demon Prince

720K 14.7K 1.6K
                                    

~*~

Tyler's Pov

"Tyler?! Hoy! Kanina ka pa tulala dyan." sigaw sa akin ni Pierce sa tainga ko. Tangenang lalakeng to! Nagseseryoso ako dito, tss, distobo.

"Ano ba ha?" galit kong tanong. Andito kami ngayon sa room, yeah we're roommates. It's Sunday today at siguradong lahat ng estudyante ay pagod dahil sa musikahan fest kagabi.

Sh*t. Bigla ko nanamang naalala yung nangyari kagabi. That little bitchy spoiled brat disaster! Nakakabanas na talaga siya. Pwes, humanda siya sa akin. Hindi niya ako matatalo.

I'll make her life more miserable.

"Dude, nakabusangot ka nanaman? Anyare sayo?" Pierce.

I gave him my most infamous death glare kaya medyo lumayo siya sa akin at nag-peace sign. Nobody messes with me.

I can't get it out of my mind. That brave girl just argh! Bakit ba ang lakas ng hila niya sa akin? She's strong at naiintimidate ako dun. Bwiset lang, Siya lang ang nakilala kong babae na ganun ka tapang at pati ako ay kinakalaban!

Last night, that was the worst night I had. Hindi ko namalayan na malapit na palang maghating gabi sa mga oras na magkasama kami ni Adrienne. F*ck. Yan tuloy siya ang kasama ko nung nagsimula na ang fireworks display.

Well sabi sabi kasi sa kwento na kung sino ang makasama mo kapag nagfireworks na ay destined sayo. Tsk. Bull shit! Kailan ba yan nauso sa Montereal? This is my school kaya bakit pinahihintulutan magkaroon ng ganyan? That's not true. And for the world record, I don't believe in that stories.

"Grabe ka dude, are you okay? Kanina ka pa tulala dyan at parang galit. Nagaaway nanaman ba ang utak mo? Hahahaha." Pierce.

Bumangon naman ako sa kama at binatukan siya. Langyang lalake. Bakit wala tong magawa sa buhay niya?!

"Ulol ka. Manahinik ka nga dyan." sabi ko at lumabas na ng kwarto.

Magjjogging na nga lang ako. Siguradong wala masyadong estudyante sa labas, obviously may mga hangover pa yun sila.

Nagjojog na ako dito sa field nang may biglang tumabi sa akin. Napatingin naman ako sa kanya. Tss. Kung alam ko lang na siya ang makakasabay ko ay hindi na ako lumabas ng kwarto. Bwisit, nakakabwisit ang presensya niya.

Pero teka? Bakit ba parang takot ako sa kanya? Eh mas lamang naman ako.

*smirk*

"I can't believe the leader of the Black Horizon is here... jogging." sabi niya at biglang ngumisi.

Gagong lalakeng to. Bakit? Is he thinking that he's handsome? Tss. Nakakabanas. Feeler.

"And I can't believe you have the guts to show your face here. Alam mo bang nakakasira ka ng araw?" sabi ko.

Bigla naman siyang tumawa. Yung tawa niya ay parang galing siyang mental.

 ̄へ ̄

"Talaga? Wow, that's good news. Hahahaha, The Montereal was pissed off at ako ang may dahilan."

*Bogsh*

Bigla ko siyang sinuntok sa mukha kaya napaupo siya at medyo tumilapon. Tss, I don't know kung bakit siya ang naging leader ng Black Stones. He's weak.

"Hinay hinay sa pagsasalita Jeko. Tandaan mo mas malakas kami kaysa sa inyo." sabi ko at dinuraan ang tabi niya at naglakad na papalayo sa kanya.

"Humanda ka Montereal, ibabagsak kita!" Siaw niya sa akin.

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon