#27 Camping with the Devil

711K 13.6K 1.9K
                                    

~*~

Okay. It's friday. Good news is walang klase bad news is may activity na gawin bukas per classroom and I don't have the damn idea kung ano yun.

Pumasok na sa loob si Sir James, which is our adviser. Potek sana hindi ganoon kahirap ang activity na ipagagawa niya sa amin. Argh.

Umupo na ako sa upuan ko, which is sa tabi ni Tyler. Oh yeah right, I forgot to tell you na hindi talaga kami nagpapansinan sa loob ng classroom ni Tyler. As in no no no. Mas nakakausap ko pa nga si Pierce at Nathan eh. Si Dylan, Jade at Char ay nasa kabilang classroom kaya yeah I'm always alone at palaging iniistorbo ng dalawa (Pierce & Nathan).

"Good Morning Class, today we are going to plan for our outdoor activity. This is per class so better participate or hindi kayo makakagraduate sa paaralang ito."

Ugh. Great. This rule again! Kung hindi ka sasali hindi ka gagraduate. Kainis naman oh.

"Any suggestions?"

"Let's go shopping!"

"Ano to for girls only?"

"Enchanted Kingdom, Sir!"

"Ewww that's Lame!"

"Hiking!"

"Yuck groosss!"

"What about camping?" Amethyst

Napalingon kaming lahat sa kanya. O-okay? Weird? Ang isang Amethyst magcacamping? And to think na girly siya. Tss. Ang sabihin niyo, gusto ng lola niyo makasama si Tyler hanggang gabi. Tsk.

"That's a great idea!" agree ng iba.

I'm not a girl scout for this camping shit. Ano na naman ba to? Hindi ba pwede ang outdoor activity ay hindi lalagpas ng isang buong araw? Bakit kailangan magovernight pa? Aish.

"Ok, let's vote? Who wants to do camping tomorrow?" tanong ni Sir James.

Majority of the class raised their hand. Damn. 

"Okay, so camping it is! Let's plan kung saan, transportation and the things we need."

We oh scratched that. They discussed everything. Yung mga dadalhin, kung saan, at ano ang kailangang gawin and etc.

"The camping will be 3 days and 2 night. So Saturday to Monday tayo. I'll just tell the principal to excuse us." sabi ni Sir James.

"Yes! Siguradong exciting to." Pierce.

"Of course Pierce! Eh sa ikaw ang kasama namin! Kyaaaaah!" classmate na medyo baliw kay Pierce. Ew.

"Tss." Ako.

Why does it have to be that long. Eh parang kung ano ang gagawin namin. Argh.

"We'll meet infront of the main building tomorrow at 6 a.m. okay? And now for the groupings." sabi ni Sir James.

"Do we really have to do that?!" sabi ko.

"Yes, miss Saavedra. We need groupings para sa mga activities na gagawin natin. At para na rin may magbabantay sa inyo. Groups are higly recommended for outdoor activities. Malay mo you will find new friends." sabi ni Sir.

"Friends mo mukha mo." bulong ko sa sarili.

"Okay, I'll choose the groupings."

Sir James made 2 groups. I belong to group 2 kasama na rin dun si Nathan, Amethyst, Pierce and uhmmm.... him. Ugh.

"At ngayon may dalawang groups na gagawa tayo ng buddy system para hindi magkawalaan. Pick a partner pero with in the group only. Sila ang magiging buddy niyo at dapat parati kayong magkasama. Plus kayo rin ang magkakasama sa tent. Okay? Better have a partner. Okay that's all. Don't be late tomorrow." sabi ni Sir at lumabas na ng classroom.

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon