#30: Lost with you (Part 1)

631K 13.4K 1.9K
                                    

SPG: LANGUAGE

~*~

Hindi ko alam na masarap pa lang matulog sa isang tent. Malamig na higaan, malambot na unan para sa aking ulo at pati na rin ang komportableng unan na yakap yakap ko ngayon.

Grabe ang sarap talaga sa pakiramdam dahil feeling mo ang higpit higpit din ng yakap sayo ng unan. Na kahit na medyo matigas ay okay lang dahil masarap pa rin yakapin. Tapos ang bango bango pa! Amoy strawberry mint. Hindi ko alam pero nagiging paborito ko na talaga ang amoy na iyon.

"Hmmmm...." sabi ko at mas hinigpitan pa ang yakap sa aking unan.

Pero teka nga. Bakit ba ang tigas ng unan ko? Atyaka bakit pakiramdam ko may kung anong bagay na humahawak sa beywang ko.

Minulat ko naman ang aking mga mata at bumungad sa akin ang kulay puting shirt...KATAWAN?! Teka katawan to ng tao ah? Oh shit. Inangat ko naman ang ulo ko para makita ko ang taong kayakap ko?

"Mahimbing ba ang tulog mo Saavedra?" panunuya niya sa akin.

Natulak ko naman siya at agad napa upo. Leche. Why am I hugging this evil gangster? Diba si Nathan ang katabi ko? Bakit kami na lang dalawa dito?! Di ko napigilan at pinaghahampas hampas ko na siya sa braso. Napaka manyak ng lalakeng to. Bwisit! Argh!

"Bwisit ka Montereal! Manyak! Manyak kaaaa!" sabi ko at mas nilakasan pa ang pagpalo sa kanya.

Humalakhak naman siya ng malakas at iniiwasan ang mga palo ko. Walangyang lalake! Ano kaya ang ginawa niya sa akin habang natutulog? Shit!

"Hey---aray! Ikaw naman ang naunang yumakap eh! Aray---sinuklian---aray---ko lang." sabi niya habang ngumingisi.

Naramdaman ko namang tumaas ang dugo ko patungo sa pisngi ko. Hindi dahil nahihiya ako kung hindi nagagalit ako. Nagagalit ako sa sinabi niya. Peste, ako raw ang nauna. Aish, hanggang kailan talaga manyak ang isang ko.

"Fuck you! Manyak ka! Manyak!" sabi ko at sinakal siya.

I never thought na magkakatabi kaming matulog ng demonyong to. Not to mention, we're sleeping while hugging. Yuck! Never in my life na naisip yun. At ngayon ay nangyari na. Shit! Parang gusto kong pumatay ng tao.

"Hey relax, wala naman nangyari sa atin kaya wag kang OA." sabi niya at ngumisi.

Inalis niya ang mga kamay kong sinasakal siya at umalis ng tent. Lumabas na rin ako pero hindi ko inaasahan ang ginawa niya sa akin.

*SPLASH*

Shit! Bigla niya ako binuhusan ng isang basong tubig. Hindi man nabasa ang aking damit pero basang basa naman ang mukha ko. What's wrong with this Montereal? Bakit nagiging isip bata tong gagong to? Hindi pa naman nakakatuwa.

"Shit! Bakit mo ko binuhusan ng tubig manyak ka?!" galit kong tanong.

He smirked and suddenly winked at me.

"Para mahimasmasan ka. OA mo kasi." sabi niya at humalukipkip at tinalikuran ako.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagdilim na talaga ang paningin ko. Sobra sobra na ang ginawa niya. Hindi ko na ito palalampasin pa. I'm a Saavedra at hindi ako nagpapatalo. If he wants war I'll give him one. Hinabol ko siya at hinarangan.

"Oh? Ano---"

*BOGSH*

"You don't fucking mess with me, Tyler." sabi ko at dumaretso na sa lamesa kung saan kami kumakain.

Akala niya maiisahan niya ako? Ang kapal naman ng mukha niya para gawin yun sa akin. Now, sigurado na akong pinapabilog niya lang ang ulo ko sa sinabi niya noong espesyal ako sa kanya. Para ano? Para guluhin ang nararamdaman ko. Pero fuck that shit, I won't fall for that again. Nabwibwisit na ako sa kanya. Gusto ko na siyang patayin.

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon