HGP Special Chapter 2: A Second Chance for Love

450K 8.4K 500
                                    

>>>Dylan Domingo and Charlotte Javier’s Love Story<<<

~*~

[Char’s Pov]

Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa kisame ng aking kwarto. Unang araw ng summer ngayon at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko rin pwede distorbohin ang dalawa kong kaibigan dahil may kanya kanya yung mga lakad kasama ang kanilang mga boyfriends.

“Tsk, pag ako magkakaboyfriend humanda talaga kayong dalawa.”  Bitter kong sabi sa aking sarili.

Patuloy akong nakatingin sa kisame habang nakikinig ng mga love songs sa aking kwarto. Tatambay na lang muna ako sa kwarto ko ngayon araw at bukas na lang ako aalis mag-isa ko kahit sino ang pwede bukas.

*Sigh*

One day I’ll have my own love story...

“Charlotte, I know this sounds stupid but I really love you.”

Napabuntong hininga naman ako habang nakatingin sa bestfriend ko.

“I-i’m very sorry, Dylan. Pero kaibigan lang talaga ang turing ko sa iyo.”

Bagsak ang mga balikat ni Dylan at nabitawan ang kanyang dala dalang rosas na para sa akin. We’re still young kaya hindi ko pwedeng seryosohin ang mga sinasabi niya. Hindi pa ako ready pumasok sa mga ganyang relasyon.

Pagkatapos ng eksenang iyon ay hindi ko na masyadong pang nakaka-usap ang bestfriend kong si Dylan. Siguro iyon na ang huli naman pagkikita. Nabalitaan ko na lang na kasama na siya sa isang gang group na tinatawag na Black Stones.

Doon ay mas lalo pang nawala ang koneksyon namin sa isa’t isa. Siguro iyon ang paraan niya para kalimutan ako. Siguro nga...

Isang taon na ang nakakalipas nang bigla kaming nagkausap ni Dylan.

“Where’s Rien?” buong tapang kong tanong sa kanya.

Tumingala naman siya sa akin kaya ngumiti ako at umupo sa harap niya. Ngumiti rin siya pabalik. Kaya mo yan Charlotte, ito na ang magiging hakbang mo para maibalik ang dating nasira.

“Ayun, iniwan ako sa ere. Tampo nanaman sa akin...”aniya at biglang nag-pout.

Natawa naman ako at ginulo ang kanyang buhok. Gosh, I miss this jerk. Pero ewan ko may konting sakit sa puso ko dahil hindi na ako yung hinahanap-hanap niya.

“Ikaw ha, lumalove life. Hahaha, gusto mo siya noh?” sabi ko and smiled faintly.

Ngumiti siya. Kitang kita ko sa mga mata niya kung gaano niya kagusto si Rien na kahit bago lang si Rien ay nagkagusto agad siya rito. Of course, Sino ba ang hindi magkakagusto kay Rien. She’s really beautiful and brave.

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon