#12 : It's My Turn to give Comfort

742K 15.7K 1.1K
                                    

~*~

Andito kami ngayon sa isang malaking bahay. Yes, hindi ako umuwi at sumama sa Black Horizon. Hindi ko rin kasi alam kung paano ako babalik dun eh. Nalaman ko rin na ang bahay na ito ay para sa Black Horizon parang ito ang secret hideout nila sa labas ng academy.

"Feel free to room around the house, okay? Matutulog na muna kami. Yung kwarto mo andun sa second floor yung may nakalabel na 'guest' sa pintuan." sabi ni Pierce at nagpaalam na sa akin para matulog. Wala rin pala kanina si Nathan sa laban kasi siya ang naging spy para malaman kung saan nagtatago ang grupo ni Villarosa, ang Dark Shadows Light.

Naglakad ako papuntang garden. Gusto ko rin kasing magpahangin muna dahil sa nangyari kanina. Yung feeling ko na ako ang tumapos sa laban ay ako rin pala ang sisira. Haist.

"Oh? Bakit andito pa siya?" tanong ko sa sarili. Napatingin naman ako sa lalaking nakaupo sa bench na nakatalikod. Tila ang rami niyang iniisip. Kasali na ba dun si Trixie? 

Pumasok naman ako ulit sa loob ng bahay at kinuha ang first aid kit sa kusina at nilapitan si Tyler.

"Hey." sabi ko. Hindi niya naman ako pinansin at patuloy lang na tumitingin sa kawalan. Bumuntong hininga naman ako at umupo sa tabi niya at binuksan ang first aid kit. Kumuha naman ako ng isang cotton ball at nilagyan ito ng kaunting alcohol.

"You, look here." sabi ko at dahan dahan na hinawakan ang baba niya at iniharap sa akin. Nakita ko naman ang masama niyang tingin sa akin pero binalewala ko lang ito at dahang gahang pinunasan ang sugat na nasa may upper lip niya.

"Sh*t!" gulat na sabi ni Tyler at nilayo ang mukha sa cotton ball. "Who the hell told you to do that?!" galit niyang tanong.

Nainis naman ako sa inasta niya kaya diniin ko ang cotton sa sugat niya dahilan para mapamura siya habang tinutulak ang kamay ko papalayo.

"Ako na nga yung nagmamagandang loob dito para gamutin yang sugat mo eh! So please, just... just let me..." sabi ko ng nakatingin sa kanya ng seryoso. Bigla naman nawala ang galit sa mukha niya at napalitan ito ng blanko kaya kumha ulit ako ng cotton ball at nilagyan ng medicine para gamutin ang sugat na nasa mukha niya.

"Uhmm.... thank you." sabi ko habang ginagamot na ang mukha niya. Tumaas naman ang kilay niya sa sinabi ko kaya napaiwas ako ng tingin. Saying thank you to the person you don't like is very awkward.

"For what?"

Tumingin naman ako sa mata niya and flashed a weak smile.

"For this. Alam ko namang nakasabagal ako sa inyo pero tinanggap niyo pa rin ako dito. Hindi niyo ako pinabayaan..." sabi ko. Tinignan naman niya naman ako with a blank expression. Seriously, gustong gusto kong malaman kung ano ang iniisip niya ngayon. Ang hirap niya basahin.

Hindi naman siya sumagot sa sinabi ko kaya hindi na ulit ako nagsalita. Ginamot ko na lang yung sugat na nasa mukha niya. In fairness, isa lang ang sugat na natamo niya at feeling ko kasalanan ko yun kaya I feel responsible for it.

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon