#46: I'm in love With You

520K 11.8K 1.2K
                                    

Dear Friends: I won't be updating that much already. Once a week na lang if possible kasi masyado na po akong busy sa college life ko. Quizzes, projects and etc. Tapos Accounting pa ang tinake ko kaya sana willing kayong maghintay sa mga updates ko. Maraming salamat sa pagpapatuloy ng suporta sa storya ko. i really appreciate it! Love lots~

NEXT TIME KO NA PO TO IEDIT. HEHE 

~*~

Bigla akong nagising ng naramdaman ko ang pagbaliktad ng aking sikmura. Agad akong tumakbo papuntang C.R. at sumuka. Napaupo ako sa tabi ng toilet habang minamasahe ang sarili kong ulo. Masyado ata akong nasobraan sa paginom ng alak kagabi.

Nang medyo nahimasmasan ako dahil sa pagsuka ko ay lumabas na ako ng C.R. at dinungaw ang cellphone ko. It’s still 2 a.m. at gising na gising ako. Napahawak ako sa noo ko. Ghad, ang sakit talaga ng ulo ko. Siguro kailangan kong magpahangin muna.

Sinilip ko ang mga tulog na sina Jade at Charlotte. Ang himbing himbing ng tulog nila siguradong apagod sa night out nila. Mabilis ko namang kinuha ang jacket ko sa cabinet at sinuot ang tsinelas ko bago lumabas ng kwarto.

Nang makarating ako sa dalampasigan ay umupo ako sa putting buhangin at niyakap ang aking mga tuhod. Tumingala ako sa langit at pinikit ang aking mga mata. Fresh na fresh pa ang nangyari sa akin kagabi. Yung pagbalik ni Tyler, yung titigan namin, yung mga babae, yung pagbabago niya. Napabuntong hininga naman ako.

Hysterical akong umiling sa kawalan. Masyado ata akong nabaliw sa pagbalik ng ugok na iyon. Na dapat andito ako para maging masaya. Kalimutan muna ang problema kahit sa panandalian lang. This resort will serve as my escape.

"I wish I will be your wife in the future." sabi ko sa katabi ko. 

 

"I don't love you, we're too young for that, Riri." untag niya. 

 

Sinimangutan ko naman siya. 

 

"Malay mo in the future! This feeling won't be one sided anymore. Trust me, Tyrence." sabi ko. 

"Then leave it to 'Destiny". If we're mean to be then we will be."  aniya.

Napangiti naman ako. What was that for? Bakit bigla na lang nagflash sa isipan ko ang mga iyon? Ano nanaman kaya ang gusting iparating ng isip ko sa akin?

“Still awake?”

Nanigas ako sa kinauupuan ko at hindi lumingon. That cold voice of his, nakakakilabot. Hindi ko akalain na kakausapin niya ako ulit ng ganito.

Natanaw ko naman sa peripheral view ko na umupo siya tabi ko. Bigla naming kumalabog ng napakabilis ang puso ko. Shit brix, kahit isang metro naman ang layo naming dalawa eh kinakabahan pa rin ako.

“Uhmmm….” Shucks. Ang rami ng mura sa isip ko. Ano ba ang pwede kong sabihin? Masyado atang awkward ang nangyayari sa aming dalawa. I mean, nung huli naming paguusap ay nung nagdance practice kami. And that was bad.

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon