#41: The Necklace

591K 12.7K 1.8K
                                    


~*~

Isang linggo na ang nakakalipas simula nung napagdesisyunan kong wag na masyadong lumapit kay Tyler. Makakaya ko naman yun hindi ba? I mean malapit na kaming grumaduate kaya pwede ko na siyang kalimutan ng tuluyan. Magtitimpi muna ako sa ngayon. Siguro mawawala din tong nararamdaman ko.

“Gosh, Adrienne Xyra Gorgeous Saavedra! You’re a one hella sexy gangster.” Tili ni Jade habang hinihead-to-foot ako.

Ngumiti naman ako at nagpasalamat. Isang oras na lang at magsisimula na ang Grand Masquerade Ball. Ang hinihintay ng lahat ng High School body. I’m wearing a nude mermaid dress na pinahiram ng designer ni Jade. Mabuti nga at pinahiram pa ako eh kung hindi wala akong masusuot. Tapos na rin kaming nagpahair and make up sa baklang make up artist ni Jade. Wow, everything is for free. Big time!

“Mas maganda ka naman Jade.” Sabi ko.

Eh sa totoo naman. Naka gold ballgown siya at ang raming sparkling designs! Sigurado akong maiinlove lalo si Pierce nito.

“Sus, mambobola!” sabi niya at humalakhak.

May kumatok naman sa pintuan namin at agad ko naman itong binuksan. Bumungad sa akin ang napakasexyng babae. Charlotte is wearing a Silver low v-neck long dress. Damn this girl, she’s so daring. Paniguradong head turner ang isang to.

“Tulo na laway mo, Rien.” Asar ni Char sa akin.

Umiling naman ako at tumawa. Pinapasok ko naman siya at nagsitilian naman ang dalawa sa sobrang excited mamaya. Like what’s with the ball?

“Girls, here’s our mask na. Suotin niyo na yan para makapunta na tayo sa function room!” excited na sabi ni Char at isa isa kaming binigyan ng maskara.

Napatitig naman ako sa aking maskara. Nude color rin siya with matching black sequins ang ganda niya tignan at sobrang elegant. Bagay na bagay sa gown ko ngayon. Ang kay Char naman ay Black with silver sequins habang kay Jade ay gold with black sequins.

Sinuot ko naman to at tumingin ulit sa salamin. One last look and I’ll be ready! Nang matapos na naming suoting ang mga maskara namin ay umalis na kami at dumaretso na sa venue which is sa function room.

“Whoah...just whoah...” sabi ni Jade habang tinitignan ang bawat detalye ng design sa loob ng function room.

Literal akong napanganga habang tinitignan ang kabuuan ng function room. Ang ganda lang talaga ng pagdisenyo ng mga organizer sa event na ito. Ang sabi raw ni Jade naghire daw ang school ng professional and high class organizers para lang sa Grand Masqeurade Ball. At damn, hindi nasayang ang pera ng school dahil ang ganda talaga! Sobrang elegante tignan dahil sa gold and black na theme nito. Puno ang buong sahig ng gold petals na hindi ko alam kung paano nila ito nagawa. Sa kanan ay nakalatag ang hapagkainan at sa kaliwa naman ang mga white round tables na may mga goldish chairs. Kitang kita rin sa kinatatayuan ko ang mga nakakamanghang designs at palamuti sa gitna ng mga table nito.

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon