#47: Regrets & What Ifs

549K 11.9K 725
                                    

Dear HGP Readers,

        Oh em gee! Natutuwa ako sa lahat ng feedback niyo. Kahit once a week na lang ako nakakapagsulat ay sinusuportahan niyo pa rin ako. Thank you so much for understanding me. Nakakatouch na kayo. Di ko akalain na marami palang magbabasa ng libro ko kahit paminsan ay cliche na ang storya. Love you all guys! Don't worry malapit na talaga ang big revelation. Hintay hintay lang!

XXX

Mabilis akong tumakbo patungong dalampasigan at nagbabasakaling madatnan ko pa siya roon. Pero nagkamali ako at tanging ingay ng alon at malakas na hangin lang ang sumalubong sa akin. Napahawak ako sa aking kwintas na bigay sa akin ni Tyrence at napabuntong hininga.

Hindi ko akalain na magsisisi ako ng ganito kabilis sa sinabi at sa inasta ko kanina kay Tyler. Masyado ata akong nacarried away sa mga nababasa at sa naiisip ko tungkol sa love. Na pagmahal mo ang isang tao handa mo siyang ipaglaban hanggang kamatayan. Siguro hanggang fairytale lang nangyayari ang mga iyon. This is reality and I have to deal with it. Madalang na sa mundong ito ang salitang ‘martyr’.

Regret is killing me right now. Pinagtabuyan ko siya at hindi pinaniwalaan. Tinalikuran ko siya at nagsinungaling na hindi ko siya mahal. Nagkamali ako dahil sabi nga nila, you have to risk when it comes to love. Kahit kadikit ng love ang sakit. Risk while you can at dahil baka ikaw lang ang magsisi kung wala kang gagawin. At least you tried.

Ano na? Pupuntahan ko ba si Tyler at humingi ng patawad? Na tinatanggap ko lahat ng sinabi niya na mahal niya ako? Na sasabihin ko rin na mahal ko siya at magkakaroon kami ng happy ending? Aish naman, ang hirap hirap magdesisyon sa sitwasyong ito. Remember, hanggang ngayon may hangover pa ako. Lasing rin kaya kanina si Tyler kaya niya nasabi ang lahat ng iyon?

Napatingin ako sa kwintas ko. Ano ba tong napasukan ko. Masyado atang complicated. Gusto ko lang namang mabuhay ng normal at magpakabad girl. Pero bakit ngayon lovelife na ang inaatupag ko? Dapat nakikipagbasag ulo ako sa mga babaeng mga malalandi eh! Hindi ito na parang sasabog na sa kakaisip kung ano na ang gagawin ko sa nararamdaman ko para kay Tyler. Bwisit! Gulong gulo na talaga ako.

“Xyra, why are you still here?”

Bigla akong napalingon sa taong tumawag ng aking pangalan. Good thing gising pa si Nathan! Agad ko naman siyang nilpitan at niyakap. Need ko ng comfort at ng advice sa kumag na ito. Sigurado akong masasagot nyia lahat ng katanungan ko.

“What’s wrong, Xyra?”

Kumalas naman ako sa yakap at kinuwento kay Nathan ang lahat ng nangyari kanina. Tango lang siya ng tango at hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng kanyang mukha.

“Well, I know this would come.” Bigla niyang sabi ng matapos na akong magsalita.

Napataas naman ako ng kilay. Ano raw? This would come? Hindi ko masyado naiintindihan ang sinasabi niya.

“I don’t understand, Nathan.”

“Na kung magtatapat sa iyo si Tyler, totoo man o hindi ay hindi ka maniniwala and you’ll just reject him even though you really love him.” Sabi ni Nathan.

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon