#36: Group Study or Double Date?

597K 13.3K 1.9K
                                    

As Promised <3 Enjoy! Kung may typo paki message ako. Thanks! Salamat sa mga nagbabasa.

~*~

"NATHAN!" sigaw ko habang winawagayway ang kamay ko sa ere.

Nandito ako ngayon sa labas ng library kasama si Jade. Hinihintay kasi namin si Nathan. Mag-group study kasi kami ngayon weekend kasi final exams na plus it's December na rin! Wohhooo! Pagkatapos ng exams wala ng hassle sa pag-aaral. Kung hinahanap niyo si Charlotte, ayun nagpaturo kay Dylan. Baka raw kasi hindi siya makapagconcentrate pag kami ang kasama. Sus, if I know para paraan lang si Char.

"Hey!" sabi niya at tumakbo na papunta sa amin.

Ngumiti naman ako habang papalapit na si Nathan. Kasama niya rin si Pierce na sa may likuran niya lang dala dala ang mga libro niya.

"Uy, Hey Pierce." Sabi ko at ngumiti.

Tumango naman siya sa akin. Ngumiti naman siya kay Jade at kinindatan ito. Sinilip ko si Jade na ngayon ay ngiting ngiti habang kumakaway sa kanila.

"Hi guys, so let's study?" tanong ni Jade.

Umagree naman kaming lahat at pumasok na sa library. Umupo naman kami sa may dulo ng library para walang makaistorbo sa amin. Aba syempre kailangan namin pumasa para grumaduate.

"So what's first?" Excited na tanong ni Pierce habang nilalapag ang mga gamit sa lamesa namin.

Umupo naman ako sa tabi ni Nathan. Bale kaharap namin ngayon sina Jade at Pierce. Si Jade kasi tuturuan si Pierce. Ako naman ang tuturuan ni Nathan. Eh kahit medyo matataas yung grades ko ay hindi ko pa rin gets ang mga tinuturo ng mga guro namin.

"Physics na ng lang! Eh di ko maintindihan yung Laws of Motion." sabi ko at binuklat na ang libro sa Physics.

"Kahit kailan ang hina mo sa Physics." Sabi ni Jade.

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Ang nagsalita. *rolls eyes*" sabi ko.

Nagsitawanan naman ang dalawang lalaki sa aming mga tabi. Bigla naman ginulo ni Nathan ang aking buhok at nilapag na ang notes niya sa harapan ko.

"Ang kukulit niyo, let's just study." Sabi ni Nathan.

Ngumiti naman ako at inayos ang buhok ko. Tinignan ko naman ang notes niya at huminga ng malalim. I can do this. Kahit nakakanosebleed kakayanin!

"Teka nga, ano nga ulit ang law of inertia? Aish, sakit sa ulo naman to oh." Sabi ko.

Hindi ko talaga makuha ang mga sinasabi sa akin ni Nathan. Kahit katiting walang pumapasok sa kukote ko. Ganito na ba ako kabobo sa Physics? Oh my god.

"Xyra, the tendency to resist any change in motion yun ang Law of Inertia." Sabi ni Nathan habang may sinusulat sa notebook niya.

Tumango tango naman ako. Ahhh, ok. Binasa ko pa ang mga notes na binigay niya. So far so good, naiintindihan ko naman ang mga lessons dahil sa notes niya.

"Sorry, I'm late."

Bigla naman nagigting ang panga ko ng may narinig akong di kanais nais na boses sa tabi ko. Shit, bakit andito to?

"No, it's okay Ty." Sabi ni Jade.

Tumingala naman ako sa kanya at sinaman siya ng tingin.

"Bakit ba palagi ka na lang epal sa buhay ko? Pati ba naman dito?" sabi ko.

Napatingin naman sina Jade sa aming dalawa. Medyo tumaas na rin kasi ang boses ko dahil sa inis. Alam niyo yung ang busy niyo sa pag-aaral tapos may gagambala agad? Eh paano ako makakapag-aaral dito kung bibilis ang tibok ng puso ko pag andito siya?

His Gangster PrincessWhere stories live. Discover now