#35: Detention

571K 12.5K 1.4K
                                    

~*~

Tulala pa rin ako habang naglalakad papuntang detention room. Nakahawak pa ako sa labi ko at hinimas himas ito. Spark, yan nag naramdaman ko sa halik niya kanina. Nung una kasi smack lang at hindi gaano katagal pero iba to ngayon.

*DugDug* *DugDug*

Narinig niyo ba yun? Puso ko yan. Ambilis ng tibok niya hanggang ngayon. Feeling ko magkakaheart attack ako sa pinaparamdam sa akin ni Tyler. Parang ang sarap na sabihin na mahal ko rin siya.

Pero hindi pa rin nawawala ang takot na nararamdaman ko. Kaya siguro, masyadong maaga pa para suklian ang sinaabi niyang pagmamahal sa akin. Bibigyan ko muna siya ng paghihirap para at least malaman ko na totoo ang nararamdaman niya diba?

Pagpasok ko ng detention room ay agad ko naaninag ang ngiting aso ni Tyler habang nakaupo sa isa sa mga upuan sa likod ng silid-aralan. Inirapan ko naman ito at umupo sa likuran pero medyo malayo sa kanya. Nakita ko naman sa kabilang banda si Jecko kasama ang mga iba pang myembro ng Black Stones. Tinignan ko naman siya at nakita ko naman ang mga masasama niyang tingin kay Tyler. Ganun niya ba ka ayaw kay Tyler?

“Hoy, buhay ka pa pala?” tanong ko kay Jecko para bumaling ang atensyon niya sa akin at hindi kay Tyler.

Ayaw ko kasing nakikitang may initan na nangyayari sa kanya. Naalala ko lang kasi ang gabing niligtas ko si Tyler laban sa Black Stones.

“Matagal namamatay ang masamang damo Rien at sisiguraduhin kong mauuna ka sa akin.” Sabi niya at sinamaan ako ng tingin.

Nginitian ko lang siya at biglang binelatan. Napatingin ako kay Tyler na ngayon ay masama na ang tingin kay Jecko. Oops, parang mali ata ang ginawa ko dahil mas naging tensyonado na ang buong lugar. Buti na lang at may bumukas ng pintuan at bumungad sa amin si Dylan.

“Rien?” excited niyang tanong ng nakita niya ako.

Ngumiti naman ako sa kanya at kumaway. Medyo matagal tagal ko rin to hindi nakikita ah? Namiss ko rin ang kakulitan ng isang to.

“Hi, Dylan!” sabi ko.

Mabilis naman siyang tumakbo at tumabi sa akin. Natawa naman ako, kahit kailan talaga isip bata ang isang to. Parang hindi niya nga napansin ang mga kagrupo niya at si Tyler eh.

“Bakit ka andito?” tanong niya.

Ngumiti naman ako at napatingin sa tabi ko na ngayon ay parang namatayan. Oh, ano nanaman bang problema ng isang to at kung makatingin parang papatay. Selos nanaman siya? Tss, inirapan ko naman siya at tumingin ulit kay Dylan. Too childish to handle. Psh.

“Ah, yung history teacher naiingayan sa akin kaya yun.” Sabi ko at nagkibit balikat.

Tumango naman si Dylan at natawa.

“Naku, kahit kailan talaga yung matandang hukluban na yun ang daling mapikon. Hahaha.” Sabi niya.

“Eh ikaw? Kasama mo ba sila Jecko?” sabi ko at tinuro sila Jecko na ngayon ay nakaubob sa silya. Ay baka tulog.

“Sila? Hindi eh, magcucutting ata sila kaso ayun nahuli. Ako naman, iniinis ko si Charlotte kaya ayun pinagalitan ako ng teacher at pinapunta rito.” Sabi niya.

Tumango naman ako.

“Ahhh, oy ikaw ha, si Char na ang gusto mo ano?” sabi ko at tumawa.

Umiling naman siya at ginulo ang buhok ko.

“Crazy, ikaw pa rin ang gusto ko.” Seryoso niyang sabi.

Bigla naman akong natahimik. Okay medyo mali ang timing ko sa pago-open up ng topic tungkol sa like like.

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon