#43: Operation: Finding Tyrence

572K 11.4K 1.4K
                                    

Dear Friends, this chapter will be SO BITIN! AS IN SUPER BITIN TALAGA. Kaya please wag magcomment na bitin nanaman hehe. ^___^v peace kasi hindi ako nakapagsulat dahil gumawa ako ng video para sa story ko. Atyaka, on-going naman to kaya siguradong palaging bitin. 

WATCH THE OFFICIAL VIDEO OF HIS GANGSTER PRINCESS! --> 

~*~

“That hot mystery guy is actually your childhood friend? Cool!” ani ni Jade at uminom ng milktea.

Andito kaming lahat ngayon sa coffee shop sa loob ng school. Kami, as in Ako, Jade, Char, Pierce, Nathan at Dylan. Kinuwento ko kasi ang nangyari kagabi sa ball. Yung tungkol kay Tyrence at kung ano ang nakaraan namin.

Tumango naman ako, “Yes, and I have this gut feeling that he’s just around us. So I need your help.”

Nagkatinginan naman silang lahat habang ngumingiti. Sabay sabay silang tumango kaya napangisi na lang ako. Thank God I have friends to help me. Now, I know Tyrence said he’ll be coming pero gusto ko pa rin hanapin siya with my own effort. Yes, I’ll be waiting for him kung kailan niyang gustong magpakita sa akin pero hindi naman ako tutunganga na lang. I also need to move.

“Sige ba! So what’s the plan?” excited na tanong ni Char.

Sinabi ko naman sa kanila ang buong plano ko. Na lahat ng lalake sa high school ay kailangan dumaan muna sa amin para matignan kung may suot ba silang kwintas na katulad ng sa akin. In this way, baka magkakaroon ako ng pagkakataong makilala kung sino si Tyrence.

“Okay, agree ako dyan. May 2 hours pa tayo para iannounce ang dapat nating gawin sa buong high school.” Sabi ni Jade habang may kinocontact sa phone. Mga kapwa student government niya ata para may tumulong sa pagaannounce.

“By the way, nagplano ang Black Horizon na magbeach sa Resort namin sa Subic for three days and two nights this Wednesday. Ano sama kayo?” tanong ni Pierce sa aming mga girls.

Nagsitanguan naman kaming lahat. Siguro makikipaghang out muna ako sa kanila dahil masyadong boring sa bahay. Obvious naman kasi na busy ang parents ko sa work. Next next week pa ata yun magiging free.

“Yeah sure, this would be fun!” sabi ni Jade.

“Ikaw, Dylan?” tanong ni Pierce kay Dylan.

“Pass.” Sabi niya at ngumiti. Syempre, awkward pakinggan kung sasama siya sa outing ng Black Horizon eh kalaban yun ng sinalihan niyang gang.

“Alright, Let’s just meet here on Wednesday. 7 a.m. Sharp.” Sabi ni Pierce.

Tumango naman kaming tatlo at nagsitayuan na. Kailangan na din kasi namin isagawa ang operasyon namin. Sana nga lang ay makita namin siya o makilala. Kahit man lang clue lang okay na sa akin.

“Sigurado ka ba sa sinasabi mo Pierce?” kunot noong tanong ni Nathan kay Pierce.

Nauunang naglalakd si Pierce at Nathan sa harap habang talak ng talak si Jade at Char sa tabi ko at tahimik na sumusunod si Dylan sa amin. Hindi ko masyado naririnig ang pinaguusapan nila Nathan dahil masyadong malakas ang boses nila Jade. Ano nanaman kaya yun? Parang ang seryoso naman ng pinaguusapan nila.

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon