Chapter 2

3.1K 142 14
                                    

(Ivan)

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Ayoko siya magising sa ingay nito. Ayon, tulog na tulog pa ang mokong, ang cute na mokong nito. Ang lips, o. Syempre, napapikit na lang ako, tas nilapit ko mukha ko sa kanya. Ramdam ko ang pagtama ng mga ilong namin. Tapos naramdaman ko na ang malambot niyang labi.

Siguro nga kapag mahal mo yung tao, wala ka ng pakialam kung ano pa siya. Hindi ko hinahanap-hanap ang karaniwang nipis at lambot ng labi ng isang babae. Gusto ko 'tong hinahalikan ko ngayon. Gusto ko ang pakiramdam. Pati yung ano ko sa baba sumasang-ayon. Tumigil ako nang marinig ko ang ungol niya.

Hinawakan niya ako sa braso. Dahan-dahang dumilat ang baby ko. Oo, baby ko talaga 'to. Sumimangot ito nang nakakaloko at ngumiti. Hinigpitan niya ang hawak sa braso ko at tinulak niya ako. Hala, lakas na ng asawa ko. Tinihaya niya ako sa kama. Siya na ngayon ang nakapatong sa akin. May pangiti-ngiti pa ang loko! Dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya at ang kasunod ay... Secret!

Di, biro lang! Napapikit ako, eh, nang maramdaman ko yung lips niya. Hindi na ako nakapagpigil. Hinawakan ko na ang batok niya at diniin ang mukha niya sa mukha ko. Hindi pa rin marunong humalik si Errol. Walang problema. Bihasa ako sa halikan. Pero tumigil ako nang maramdaman ang panlalamig ng mga kamay niya na nakapatong sa balikat ko. Hinawakan ko ang mga bisig niya. "Ano'ng problema?"

"Ah, eh... Kasi..." Na-conscious yata siya. Gumalaw siya at tumabi sa akin. Medyo nanginginig ang mga daliri niya. Naalala ko nung nasa bahay nila ako. Ganito din ang reaction niya.

"Uy!" Hinawakan ko ang braso niya.

"Ivan, sorry. Kinakabahan kasi ako." Napakamot siya sa ulo.

"Ba't kagabi nung hinalikan mo ako hindi ka naman kinabahan?" Kinabig ko ang ulo niya patungo sa balikat ko at hinalikan ko siya sa ulo.

"Kagabi kasi may damit ka." Tumawa siya. Binangga-bangga ko naman ang ilong ko sa ilong niya.

"Loko loko ka, ha," bulong ko. "Akala ko pa naman aggressive ka na."

"Sinubukan ko lang kung uubra kapag inunahan ko ang kaba ko."

"Di ba kasali sa training niyo sa Amerika ang makipaghalikan sa pogi at hot?" Natawa ako sa tanong ko.

Marahan niya akong sinuntok sa tagiliran.

"Aw!" Kunyari nasaktan ako. Gumanti naman ako ng kurot sa tagiliran niya.

"Aray! Masakit yun ah." Kinurot niya ako sa dibdib.

Syempre kinurot ko rin siya sa dibdib at umaray din siya, pero di siya makaalis kasi nakagapos ang bisig ko sa leeg niya. Habang napapangiwi ay hinimas niya ang parte na kinurot ko.

"Masakit ba?" nakangisi kong tanong. Hindi siya sumagot. Sinimangutan niya lang ako. Baka bigla akong gamitan ng fighting skills niya, yari tayo. Hinimas ko ang part na kinurot ko. Nagtitigan lang kami. Alam niyo yung titigan na may halong pagnanasa. Oo, matagal na akong pinagnanasaan nito eh.

Tinanggal niya ang kamay ko. "Tama na."

"Okay na ba?" Tinaas ko ang t-shirt niyang maluwang. "Tingnan ko nga, baka namumula."

"Uy!" Pinigilan niya ang kamay ko. "H'wag na!"

Pero naiangat ko rin ang suot niya. Tang ina ang abs ng loko-loko! Hindi pa ako sanay sa bago niyang itsura. "Sexy mo na talaga." Nginitian ko siya at kinurot sa pisngi.

"Uy!" protesta niya nang pilit kong hubarin ang suot niya.

"Alisin mo na 'to!" bulalas ko habang tumatawa. Nagpupumiglas siya pero nahubad ko rin ang suot niya. Tinapon ko 'to sa sahig. Hindi ko siya hinayaang bumaba ng kama upang kunin ang t-shirt. Mas malakas pa rin ako sa kanya. "H'wag na," bulong ko, "para pareho tayong shirtless."

Habang nakatitig siya sa akin ay di ko mapigilan ang pagbilis ng paghinga ko. Di siguro alam ni Errol pero kapag nakikita ko ang maamo niyang mukha parang nanghihina ako. Siguro ganun din pakiramdam niya pag nakikita niya ako. Nahahalata ko naman. Naks, ang serious ko na.

"Ivan, di pa ba tayo bababa?"

Dinig ko ang kaba sa boses niya. "Baby, wala bang nagkagusto sa'yo dun?"

"Wala naman yata. Kasi nung nandun ako, yung dark side ko nakita nila eh."

Natatawa na talaga ako sa sarili ko. Ba't ba biglang nasesexihan ako sa kanya? Dati sa mga suso lang ako nahuhumaling. Ngayon parang natuturn on ako sa matipuno na niyang dibdib at mga utong. Di ko mapigilang tingnan. Shit! Tama nga siguro si Ate Liz. Bisexual na yata talaga ako. Teka, ba't ko ba iniisip ito? Di ito mahalaga. "Errol," bulong ko.

Tumitig lang siya sa akin.

Pinatong ko ang kamay ko sa balikat niya.

"Baba na tayo?" Nakikita ko ang kaba sa mga mata niya.

Tinulak ko siya sa kama at mapusok na hinalikan. Sa una'y tinutulak niya ako, pero nagpaubaya siya. Binaba ko ang mga halik ko sa leeg niya. Mainit ang leeg ng asawa ko. Tas pumipintig yung ugat niya sa leeg. Napangiti ako.

Narinig ko yata ang kabog ng dibdib niya. Parang sinisilaban ako ng mga ungol niya. Ramdam ko na ang muling pagtigas ng junior ko. Napaliyad siya nang dumako ako sa utong niya na sinipsip ko.

"Ivan..." ungol niya habang nakahawak sa buhok ko.

Napapangiti ako habang tumatama sa tiyan ko ang matigas na bagay sa loob ng salawal ni Errol. Ibig sabihin kasi nagugustuhan niya ang ginagawa ko. Tinuloy ko ang pagdila sa utong niya na gaya ng pagdila ko sa utong ng isang babae. Swabe lang, mga pare. Lalaru-laruin ang dulo ng utong gamit ang dila. Iikutin ang palibot ng utong gamit ang dulo ng dila. Iipitin ang utong gamit ang mga labi. Ramdam ko na ang pag-iinit ng katawan niya.

Gumalaw ako upang yakapin siya. Gusto ko mawala ang kaba niya. I wanna make him feel comfortable. Nagiging seryoso pala ako kapag oras na ng labing labing. Muli ko siyang hinalikan, pero this time lumaban na siya. Parang naexcite yata ako. Hinawakan ko ang kamay niya at ginapang ito sa katawan ko.

"Totoo ba 'to?" bulong niya nang kumalas sa halikan namin. "Ivan, parang di pa rin ako makapaniwala..."

Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya. Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mga mata niya.

"Parang kelan lang pinapangarap lang kita."

Ewan ko ba, naluha na rin ako nung hawakan niya ang pisngi ko.

"Pero heto ka na ngayon."

Umiling ako. "Heto ka na ngayon." Hinawakan ko rin ang pisngi niya. Pareho kaming natawa habang lumuluha.

"Kung panaginip lang ito," bulong niya, "ayoko na magising."

"Naks, parang kanta lang," bulong ko rin habang nagtitigan kami. Muli ko siyang hinalikan. Gusto ko maramdaman niya na totoo ang nararamdaman ko. Ayoko na siya mag-alangan. Siguro kasi hindi pa talaga siya one-hundred percent naniniwala. O ewan ba. Pero naiintindihan ko. Dami kong atraso sa kanya noon, eh. Pero gusto ko iparamdam sa kanya na mahal ko siya.

Bibitinin na muna namin kayo. Wala munang ano. Yakapan lang muna para medyo mawala ang kaba niya. Kiskisan konti. Sinasadya kong ibangga ang junior ko sa junior niya. Dapat nagkakaigihan kasi sila. Itong baby ko binibitin talaga ako lagi, pero ito ang isa sa mga dahilan bakit hinahanap-hanap ko siya, kasi siya lang ang nambibitin sa akin ng ganito. Iba siya.

Enchanted Series 4: This Is It!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon