Chapter 20

1.6K 91 5
                                    

(Errol)

"Ivan, kailangan ko ba sabihin kay Monique kung ano ako?"

"H'wag na." Abala siya sa pag-check sa datos ng inventory ng convenience store niya sa tablet niya. "Kung sa parents mo nga di mo sinabi eh."

"Sabagay." Sinarado ko ang aklat na binabasa at nilapag ito sa katabing mesa. Malalim akong nag-isip. "Sa tingin mo dapat sabihin ko na kina nanay?"

Nilapag niya ang tablet sa bedside table. "Kung ako tatanungin mo, ayoko. Kasi di ba sabi ng lolo mo noon ayaw na rin niya ipaalam sa mama mo."

"Ang ayaw niya ipaalam yung tungkol sa kanya."

"Kapag sinabi mo lahat, kelangan mo rin sabihin ang mga ginawa niyo ng lolo mo, ng tatay niya."

"Pero, ano ba? Dapat ko pa sabihin?"

"Ikaw ang bahala. Ano ba sa tingin mo?" Hinimas niya ang batok ko.

Napalingon naman ako sa kanya. "Nalilito rin nga ako."

"Kung nalilito ka pa, h'wag mo na muna sabihin. Sabihin mo lang kung sigurado ka na."

Tumango ako. May kung anong convincing power ang baritonong boses niya na parang inakit na naman ako.

"Basta ako alam kung ano ang sigurado." Tuluyan nang kumawala ang bedroom voice niya.

Nag-init na naman ang leeg at batok ko. "Ano?"

"Ito." Hinalikan niya ako. "Nakakamiss ang lips mo, baby."

"H'wag mo nga ako ngitian nang ganyan," bulong ko.

"Bakit?" Mas pinapungay pa niya ang mga mata niya at mas ngumiti pa.

"Baka di ako makapagpigil, makagat kita."

"Kagat lang pala, eh." Humiga siya na nakapatong ang ulo sa kanyang mga kamay. Litaw na naman ang kilikili niya. "Sige, baby, kagat na."

Pero pinagmasdan ko lang siya. Ngumiti ako habang pumipikit siya. Hinintay niya yata na kagatin ko siya. Dinilat niya ang isang mata.

"O, ano na?"

Ngumiti lang ako.

"Ah, gusto mo yata ako kumagat sa'yo, ha." Bigla niya akong hinila at pinatungan. Kinagat-kagat niya ang tenga ko habang kinikiliti ako sa tagiliran.

Hagalpak ang tawa ko. Ang mga tawanan ay nauwi sa tinginan. Ang harutan ay nauwi sa halikan. Pero mukhang alam ko na kung saan mauuwi yun. "Teka, pwede magbanyo muna ako?" Nginitian niya ako at tumango.

Sa loob ng banyo ginawa ko yung sinabi ni Monique. Weird ang feeling. Parang ewan. Nang bumalik ako sa kwarto, tulog na si Ivan. Ang amo tingnan ng lalaking ito kapag tulog. Hinintay niya kaya ako hanggang sa nakatulog siya? Ganun ba ako katagal? Baka pagod rin siya.

Malaya ko siyang pinagmasdan. Ang ganda ng mga pilikmata niya. Gusto kong kurutin ang ilong niya na sakto lang sa mukha niya, hindi sobrang tangos, hindi rin pango. Medyo nakatagilid ang mukha niya, nakaharap sa braso niyang maumbok. Nakapatong ang ulo niya sa mga kamay niya. Ganun yata ang favorite sleeping position niya.

Hindi naman talaga ako naaakit sa kili-kili, pero parang may magnet yung kili-kili niya. Namalayan ko na lang inaamoy ko 'to, amoy deodorant niya. At napangiti ako. Naging manyak na rin yata ako. Nahawa na ako sa kanya.

Di bale na. Niyakap ko na lang siya at hinalikan sa pisngi.

Enchanted Series 4: This Is It!Where stories live. Discover now