Chapter 25

1.9K 100 12
                                    

(Errol)

Pagkatapos namin puntahan ang convenience store niya ay dumiretso na kami sa isa niya pang negosyo. Mas matao ang ang coffee shop ni Ivan ngayon kesa nung una ko makita ito. Maraming estudyante. Kaya maging siya ay abala rin. Nanatili ako sa labas. Ayoko sa loob. Maingay. Minsan ay lumalabas si Ivan para kamustahin ako. Parang engot. Takot na takot na mawala ako.

Habang nagbabasa ako sa labas ay nag-vibrate ang telepono ko. Si Dane tumatawag.

"How are you enjoying your vacation?"

"I'm having a great time," sagot ko.

"You know what's not fair?"

Kumunot ang noo ko. "What?"

"We've yet to hang out with you, with the real you."

"I'll be back next month."

"How's everyone doing?"

"David and I are fine. Maggie's fine too. Some of us are still a bit shaken up."

"How's Morgan?"

"He's getting better. I thought we lost him. But like David said, Morgan is a pretty bad asshole. Assholes don't die right away." Tumawa siya.

Kaya natawa rin ako. "How's Rod?"

"That's the thing. I still haven't heard from him since we came back."

"That's weird."

"Exactly."

"So what are you doing? Why don't you take a vacation as well? You and David should have some time alone."

"He's training the recruits. I have other things in mind."

Gusto ko magtanong, pero parang ang tsismoso. Besides, ayoko magmukhang gusto manghimasok sa ins and outs ng ahensiya. Tingin ko kasi baguhan pa rin ako.

"Anyway, I just really wanna check on you, see how you're doing."

"Thanks, Dane."

"We miss you. Kyle was asking about you." Tumawa siya nang marahan.

"Tell everyone I'm fine."

"I think we'll see you in a different way when you come back. You sound different now."

Ngumiti ako. "You're dealing with the real guy now."

"Bye, pal. Excited to see you back here."

"Bye, Dane. Have a great time."

Binaba na niya ang telepono. Masaya ako na walang nasaktan sa mga kasama ko sa ISA. Pero sumagi pa rin sa isipan ko ang mga nasawi. Kahit siniksik ko na sa isip ko na wala akong kasalanan kung tutuusin, nakokonsensiya pa rin ako.

May mga bagay pa na bumagabag sa akin. Pero habang nag-iisip ako, may bumulaga sa akin.

"Hey!" bati ng babaeng kulot ang buhok. "Kamusta?"

"Ate Diana?"

"Gusto mo tita?" Ngumisi siya. "Diana na lang. Ano ba!" Hinila niya ang silya sa harap ko at umupo.

"Naparito ka."

"Bored na bored ako sa arts shop ko. Si Julie naman nasa Paete."

"Sino nagbabantay sa shop mo?"

"Assistant namin ni Julie."

"Tawagin ko ba si Ivan?"

"H'wag na. Alam ko busy talaga pag Biyernes ng hapon."

Enchanted Series 4: This Is It!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon